Friday, August 11, 2023

13 BIFF sumuko, tumanggap ng ayuda sa gobyerno

From Abante (Aug 11, 2023): 13 BIFF sumuko, tumanggap ng ayuda sa gobyerno (3 BIFF surrender, receive government aid)



Inaasahan na umano ang paghina ng puwersa ng bandidong Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos magbalik-loob sa gobyerno ang 13 nitong miyembro.

Nagmula ang mga ito sa bayan ng Rajah Bua­yan, Datu Unsay, Datu Hoffer, Datu Abdullah Sangki at Shariff Aguak, Pagatin-Datu Saudi Ampatuan, Mamasapano, at Shariff Saydona Mustapha.

Isinuko rin nila ang kanilang mga armas tulad ng sniper rifle, 50 caliber barret, mga bala, grenade launcher at iba pa.

Kahirapan, magulong pamumuhay at kawalang pag-asa na maging tahimik ang kanilang pamilya ang pangunahing dahilan ng pagtalikod nila sa bandidong grupo.

Samantala, tumanggap sila ng cash assistance mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan para sa pagsisimula nila ng bagong buhay.

https://www.abante.com.ph/2023/08/11/13-biff-sumuko-tumanggap-ng-ayuda-sa-gobyerno/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.