July 10, 2023
Naghain ng reklamo ang grupo ng mga abogado na National Union of Peoples’ Lawyer (NUPL) kasama ng iba pang grupong nagtataguyod ng karapatang-tao sa Camp Aguinaldo sa Quezon City noong Biyernes, Hulyo 7. Ito ay para magsilbing babala at paalala sa buong pamunuan ng Department of Defense (DND) at sa bagong kalihim nitong si Gilberto Teodoro na tigilan na ang paggamit sa Anti-Terror Act para labagin ang karapatan ng mga kliyente nilang bilanggong pulitikal.
Ayon sa NUPL, “Simula unang hati ng 2023, naging kapansin-pansin ang lumalalang serye ng paglabag sa karapatang-tao sa mga bilanggong pulitikal na sinampahan ng gawa-gawang kaso ng terorismo at iba pang kaso na may kaugnayan dito sa Southern Luzon. Sila ay inakusahan ng pagbibigay diumano ng materyal na suporta sa mga terorista sa ilalim ng Republic Act No. 11479 dahil sa pagtulong sa mga manggagawang-bukid, katutubo, at biktima ng militarisasyon. Umabot na ang bilang sa 13 nakabimbing mga kaso, ayon sa mga abugado.
Ilan sa mga inarestong nagtataguyod ng karapatang-tao ay itinatago sa mga kampo militar at pinagkakaitan ng karapatang mabisita ng kanilang pamilya at mga abugado, bagay na labag sa 1987 Philippine Constitution at Republic Act No. 11479 (Rights of Persons Arrested, Detained, or Under Custodial Investigation). Kabilang dito ang dawalang tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo na sina Mary Joyce Lizada at Arnulfo Aumentado, kilala rin bilang “Mansalay 2” na nakadetine sa Camp Capinpin. Dalawang beses nang hinarang ng mga sundalo at tinanggihang pumasok sa kampo ang bumibisitang mga kaanak at abogado ng dalawa.
Maging ang mga abugado ay nakaranas din ng pagpapahirap para maisakatuparan ang kanilang mga tungkulin. Sa isang insidente noong Marso, nakaranas ng intimidasyon at harasment mula sa isang sundalong sarhento sa isang tsekpoynt ang mga abugado mula sa SENTRA na tutugon sa ligal na pangangailangan ng mga kliyente nilang manggagawa sa tubuhan na dinakip ng mga sundalo sa Balayan, Batangas.
Kamakailan din ay sinampahan ng mga pekeng kaso ng “terorismo” ang tatlong mga kabataan sa Southern Tagalog dahil sa kaparehong batayang ng “pagbibigay ng ayuda sa mga terorista” dahil sa pagtugon nila sa isang makataong misyon na inilunsad kaugnay sa pagpatay sa siyam na taong gulang na si Kyllene Casao sa Taysan, Batangas.
Nanawagan ang mga abugado sa estado, laluna sa DND, na ipatupad ng mga nasa hanay ng pwersang panseguridad nito ang batayang karapatan ng mga detenido nang walang diskrimasyon at respetuhin ang kalayaan ng mga abugado na tumugon sa ligal na pangangailangan ng kanilang mga kliyente.
“Nakatala sa amin ang bawat pagyurak ninyo sa kalayaan at karapatang-tao sa mga sibilyan at pagtaas ng mga kaso ng tortyur, karahasan at hindi makataong pagtrato na humahantong sa pagdami ng pwersahan at pekeng pagpapasurender na binabansagang ‘rebel returnees.’ Ang maling paggamit ng mga batas laban sa terorismo sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso ng mga militar ay pagsugpo sa kalayaan at pagsikil sa espasyong sibiko,” anila.
Nagpadala sila ng sulat sa DND na naggigiit sa sumusunod:
1. Lahat ng mga naaresto, detenido, o bilanggo, anuman ang estado, ay dapat bigyan ng sapat na pagkakataon, oras at pasilidad na mabisita at makipag-ugnayan at kumonsulta sa isang abogado, nang walang pagkaantala, pagharang o pangsesensor at nang may buong kumpidensyalidad;
2. Ang mga abugado ay dapat pahintulutang maglakbay at makipagkonsulta sa kanilang mga kliyente nang malaya at hindi dapat magdusa, o bantaan ng pag-uusig, administratibo o iba pang mga parusa para sa anumang aksyong ginawa alinsunod sa kinikilalang mga propesyonal na tungkulin, pamantayan at etika; at,
3. Dapat iwasan ng militar ang pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso ng terorismo at mga kaugnay nito laban sa mga taong nagsasagawa ng mga gawaing makatao at mga lehitimong aktibidad ng malayang pananalita at pagpapahayag, tulad ng adbokasiya, protesta, at pagtutol…
4. Ang mga tauhan ng militar at mga kumander na responsable sa mga nabanggit na insidente ay dapat agad na imbestigahan at pagbayarin sa kanilang mga paglabag sa karapatang-tao.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/department-of-national-defense-tinuligsa-ng-mga-abugado/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.