July 10, 2023
Perwisyo sa mamamayan at kalikasan ang muling paglulunsad ng live-fire exercises ng mga pwersang militar ng US at Pilipinas sa Barangay Canantong, Laur, Nueva Ecija noong Hulyo 7. Nagpakawala ng 20 rocket ang US sa tinaguriang PH-US Army Artillery Rocket System Subject Matter Expert Exchange (SMEE) gamit ang mga High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS). Bago nito, naglunsad na rin ng kaparehong pagpapasabog ang US noong Marso, sa ilalim ng war game na Balikatan.
Ang Rocket SMEE ay bahagi ng PH-US Combined Exercise Salaknib 2023 na inilunsad para palakasin ang kontrol ng imperyalismong US sa papet na Armed Forces of the Philippines (AFP). Dumalo sa partikular na aktibidad bilang mga obserber ang humigit-kumulang 500 pwersang militar ng AFP.
Katulad na pagpapasabog ang inilunsad ng US at Pilipinas noong huling linggo ng Marso bilang bahagi ng Balikatan. Matatandaang binatikos ito ng grupo ng kababaihan na Gabriela na nakatanggap ng mga ulat mula sa mga residente sa lugar. Ayon sa grupo, matinding perwisyo ang naranasan ng mga residente kaugnay ng mga pagsabog na madalas naririnig sa gabi. Nakaapekto ito sa kanilang kilos at kanilang kakayahang makapaghanap-buhay.
Isinaad ng naturang ulat ng Gabriela na ang live fire exercises ay nagdulot ng labis na pagkabalisang mental at emosyonal hindi lamang sa mga tao sa mga apektadong komunidad kundi pati sa mga hayop sa paligid. Nagpahayag din ng pangamba ang grupo sa toxic waste na iniiwan ng gayong mga pagpapasabog.
Pagkatapos ng aktibidad noong Hulyo 7, ginawaran pa ng medalyon ng Honorable Order of Saint Barbara si Col. Hubert Acierto, Deputy Regiment Commander ng Army Artillery Regiment ng AFP, sa katapatan nito sa US.
Ang gawang-US na multiple rocket launcher ay ginagamit ng Ukraine sa gerang inudyukan ng US laban sa Russia. Sinabi kamakailan ni Philippine Army chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr na plano nitong bumili ng mga HIMARS, anti-ship cruise missiles at air-defense artillery sa darating na mga taon bilang bahagi ng AFP “modernization program” na kinokonsulta nito sa US.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng 500 aktibidad ng US na nakaplanong ilulunsad sa Pilipinas ngayong taon. Liban sa pagpapahigpit ng kontrol nito sa hukbo ng Pilipinas, layunin ng mga aktibidad na ito na bigyan-katwiran ang permanenteng presensya ng mga tropa ng US sa bansa.

ENGLISH TRANSLATION: Detonation of US and Philippine rockets in Nueva Ecija, harming the people
The relaunch of live-fire exercises by the US and Philippine military forces in Barangay Canantong, Laur, Nueva Ecija on July 7 is a detriment to the people and the environment. The US released 20 rockets in the so-called PH-US Army Artillery Rocket System Subject Matter Expert Exchange (SMEE) using High Mobility Artillery Rocket Systems (HIMARS). Before this, the US also launched a similar explosion in March, under the Balikatan war game.
Rocket SMEE is part of the PH-US Combined Exercise Salaknib 2023 which was launched to strengthen US imperialism's control over the puppet Armed Forces of the Philippines (AFP). Around 500 military forces of the AFP attended the particular activity as observers.
Similar blasts were launched by the US and the Philippines in the last week of March as part of Balikatan. It can be remembered that it was criticized by the Gabriela women's group that received reports from residents in the area. According to the group, the residents experienced severe damage related to the explosions that are often heard at night. It affected their behavior and their ability to earn a living.
Gabriela's report indicated that the live fire exercises caused a lot of mental and emotional distress not only to the people in the affected communities but also to the animals in the vicinity. The group also expressed fear of the toxic waste left behind by such explosions.
After the activity on July 7, Col. was awarded the medallion of the Honorable Order of Saint Barbara. Hubert Acierto, Deputy Regiment Commander of the Army Artillery Regiment of the AFP, for its loyalty to the US.
US-made multiple rocket launchers are being used by Ukraine in the US-instigated war against Russia. Philippine Army chief Lt. said recently. gen. Romeo Brawner Jr. that it plans to buy HIMARS, anti-ship cruise missiles and air-defense artillery in the coming years as part of the AFP "modernization program" that it is consulting with the US.
This activity is part of the 500 US activities planned to be launched in the Philippines this year. Apart from tightening its control over the Philippine army, these activities aim to justify the permanent presence of US troops in the country.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/pagpapasabog-ng-mga-rocket-ng-us-at-pilipinas-sa-nueva-ecija-perwisyo-sa-mamamayan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.