Monday, July 10, 2023

BIFF leader, 15 pang suspek sa pagpatay sa 2 pulis kinasuhan

From the Pilipino Star Ngayon (Jul 11, 2023): BIFF leader, 15 pang suspek sa pagpatay sa 2 pulis kinasuhan (BIFF leader, 15 other suspects in the killing of 2 police officers were charged) (By Doris Franche-Borja)

MANILA, Philippines — Nagsampa na ng kasong murder ang Maguindanao Police sa provincial prosecutor’s office laban sa isang lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at 15 pa nitong tagasunod na itinuturong responsable sa pananambang sa mga pulis na ikinasawi ng dalawa sa Shariff Aguak, Maguin­danao del Sur noong Hunyo 14.

Ang lider ng teroris­tang grupo na kinasuhan ay kinilalang si Esmael Abdulmalik alyas “Abu Turaife,” kasama pa ang 15 niyang tauhan na may kinalaman sa pag-ambush at pagpatay kina Patrolmen Saipoden Macacuna at Bryan Dalao Polayagan, at pagkasugat ng apat pang pulis na sina Chief Master Sgt. Rey Vincent Gertos, Staff Sgt. Benjie delos Reyes, Patrolman Abdulgafor Alib at Pat. Arjie Val Loie Pabinguit; pawang miyembro ng Police Provincial Mobile Force Company.

Batay sa record, sakay ng patrol vehicle ang mga biktima papunta sa police provincial headquarters, at pagsapit sa Barangay Poblacion ay dito sila pinaulanan ng bala ng mga nakaabang na BIFF members.

Lumilitaw na paghihiganti ang motibo ng pag-atake dahil sa pagpatay sa umano’y ISIS emir na si Abu Zacaria sa isang law enforcement operation sa Marawi City noong Hunyo 12.

Una nang kinondena ni Police Col. Joel Sermese, Maguindanao del Sur police director, ang pag-atake sa kanyang mga tauhan.

Naniniwala ang pulis­ya na ang Islamic State-inspired na BIFF local terrorist group ang responsable sa sunud-sunod na pag-atake ng bomba at pagpatay sa ilang opisyal at kawani ng gobyerno sa Central Mindanao nitong mga nakaraang taon.

Patuloy ang manhunt operations ng tropa ng pamahalaan laban kay Abu Turaife at sa kanyang mga tauhan na pinaniniwalaang nagtatago sa Liguasan Marsh.

ENGLISH TRANSLATION: BIFF leader, 15 other suspects in the killing of 2 police officers were charged

The Maguindanao Police have filed a murder case with the provincial prosecutor's office against a leader of the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) and 15 of his followers who are said to be responsible for ambushing the police that killed two in Shariff Aguak, Maguindanao del Sur last June. 14.

The leader of the terrorist group that was charged was identified as Esmael Abdulmalik alias "Abu Turaife," along with 15 of his men who were involved in the ambush and killing of Patrolmen Saipoden Macacuna and Bryan Dalao Polayagan, and the wounding of four other policemen who Chief Master Sgt. Rey Vincent Gertos, Staff Sgt. Benjie delos Reyes, Patrolman Abdulgafor Alib and Pat. Arjie Val Loie Pabinguit; all members of the Police Provincial Mobile Force Company.

Based on the record, the victims went to the police provincial headquarters in a patrol vehicle, and when they arrived at Barangay Poblacion, they were shot by BIFF members.

The motive for the attack appears to be revenge for the killing of the alleged ISIS emir Abu Zacaria in a law enforcement operation in Marawi City on June 12.

First condemned by Police Col. Joel Sermese, Maguindanao del Sur police director, the attack on his staff.

The police believe that the Islamic State-inspired BIFF local terrorist group is responsible for a series of bomb attacks and killings of several government officials and staff in Central Mindanao in recent years.

The manhunt operations of government troops continue against Abu Turaife and his men who are believed to be hiding in Liguasan Marsh.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2023/07/11/2280163/biff-leader-15-pang-suspek-sa-pagpatay-sa-2-pulis-kinasuhan

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.