Sunday, July 16, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Tatlong mamamahayag, dinahas ng pulis habang nag-uulat

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Jul 16, 2023): Tatlong mamamahayag, dinahas ng pulis habang nag-uulat (Three journalists, assaulted by the police while reporting)
 




July 16, 2023

Iniulat ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang naganap na panghaharas ng mga pulis sa tatlong mamamahayag sa Barangay Jones, Pastrana, Leyte noong Hulyo 14. Ang mga mamamahayag na sina Lito Bagunas, Noel Sianosa at Ted Tomas ay nag-uulat kaugnay sa isang kaso ng pangangamkam ng lupa sa naturang lugar nang palayasin ng pulis na si Rhea Mae Baleos. Habang nagaganap ang pagpapalayas, nakarinig ang tatlo ng mga putok ng baril.

Ayon sa kwento ng mga mamamahayag, nag-iinterbyu sila ng mga magsasaka para alamin ang kaso na pang-aagaw ng lupa. Ang lupang inaagaw ay iginigiit ng mga magsasakang benepisyaryo ng repormang agraryo ng gubyerno.

Ganap na alas-9:30 ng umaga ay pinahinto at pinalayas sila ng babaeng pulis na si Baleos. Hinablot pa ng pulis ang selpon na ginagamit pang-bidyo ni Sianosa. Kita sa bidyo na naka-post sa social media ang ginawang panunulak at pisikal na pang-aatake ng babaeng pulis. Ilang minuto pagkatapos ng panggigitgit ng pulis, nakarinig ang tatlo ng magkakasunod na putok ng baril. Nakita umano ni Tomas na mga pulis na nakauniporme ang nagpaputok. “Wag kayong magpapaputok. Mga media kami,” ang sigaw ni Tomas.

Sa isang pahayag kahapon, Hulyo 15, itinaggi ng tumatayong hepe ng Pastrana police na si Maj. Darwin Dalde na ang mga putok ay nagmula sa mga baril ng kanilang mga ahente, sa kabila ng malinaw na pahayag ng mamamahayag at maririnig sa bidyo ang mga putok.

Ang tatlong mamamahayag ay mga kasapi ng lokal na telebisyon na San Juanico TV.

Ang karahasan at panggigipit na dinanas ng mga mamamahayag ay dagdag sa 75 na kaso ng pag-atake sa kalayaan sa pamamahayag na naitala ng NUJP noong Abril 30 mula nang maupo sa poder si Ferdinand Marcos Jr.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/tatlong-mamamahayag-dinahas-ng-pulis-habang-nag-uulat/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.