Sunday, July 16, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Manggagawang pangkalusugan at kabataang boluntir, inaresto ng 85th IB sa Quezon

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Jul 16, 2023): Manggagawang pangkalusugan at kabataang boluntir, inaresto ng 85th IB sa Quezon (Health worker and youth volunteer, arrested by the 85th IB in Quezon)
 




July 16, 2023

Dalawang aktibista ang inaresto 85th IB sa gawa-gawang kaso noong Hulyo 12 habang nagsasagawa ng pagsisiyasat sa komunidad sa Atimonan, Quezon. Inaresto sina Miguela Peniero, isang magsasaka at manggagawang pangkalusugan, at kabataang boluntir na si Rowena Dasig sa Purok Banaba, Barangay Caridad Ibaba sa kasong illegal possession of firearms and explosives, karaniwang ginagamit laban sa mga aktibista para arbitraryo silang arestuhin.

Ayon sa ulat, nasa komunidad ang dalawa para imbestigahan ang epekto ng pinaplanong itayo na cycle gas turbine power project at liquefied natural gas terminal plant sa naturang lugar. Ang proyekto na itatayo ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E), subsidyaryo ng Meralco PowerGen Corp, ay magkakaroon ng matinding epekto sa mga magkokopra at mangingisda sa bayan ng Atimonan.

Naunang pinlano ng A1E na magtayo ng isang coal-fired power plant sa Atimonan ngunit mariiin itong tinutulan ng mga taong-simbahan, grupo sa kalikasan at mga residente dulot ng banta sa kalusugan, kabuhayan, at pangangamkam ng lupa mula sa mga magsasaka. Sa kasalukuyan, itinransporma ng A1E ang proyekto tungong cycle gas turbine power project at liquefied natural gas terminal plant na plano nitong simulan sa ikatlong kwarto ng 2023.

Pangawalang pagkakataon na ito ng iligal na pag-aresto kay Peniero. Noong Pebrero 2012, sinampahan siya ng gawa-gawang kaso at hinuli ng 88th IB sa Calauag, Quezon. Nakalaya siya matapos ang walong taon ng hindi makatarungang pagkakapiit.

Sa ulat ng grupong Karapatan-Southern Tagalog, hindi pinayagan ng pulis at militar na makapasok kahapon, Hulyo 15, ang humanitarian team sa Atimonan Police Station para malaman ang kalagayan ng dalawa.

Binatikos ng grupo ang panggigipit sa mga kaanak at hindi pagkilala sa karapatan ng dalawang inaresto na mabisita ng pamilya at kanilang abugado. “Litaw ang luma nang taktika ng militar sa pagpapatagal ng proseso sa hindi nila pagpirma ng certificate of detention at sa pabago-bago nilang kwento ng kinaroroonan ng dalawa,” ayon pa sa grupo.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/manggagawang-pangkalusugan-at-kabataang-boluntir-inaresto-ng-85th-ib-sa-quezon/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.