Thursday, May 4, 2023

Kalinaw News: Mga gamit pandigma at personal na kagamitan ng mga NPA, narekober sa lalawigan ng Cagayan

From Kalinaw News (May 5, 2023): Mga gamit pandigma at personal na kagamitan ng mga NPA, narekober sa lalawigan ng Cagayan (Weapons of war and personal equipment of NPAs recovered in Cagayan province)



Bukod sa dalawang R4 rifles, isang M16 rifle at isang M653 rifle na narekober ng kasundaluhan sa pinangyarihan ng engkwentro sa Sitio Biguc, Brgy Alucao, Santa Teresita, Cagayan ay nakuha rin sa encounter site ang iba’t-ibang bala ng baril, limang magazines ng M16, dalawang radio, dalawang bandoliers; isang power bank; isang cooking pot; dalawang back packs; apat na cellphones; tatlong chargers; labing isang SIM cards; at mga subersibong dokumento.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang isinasagawang hot pursuit at clearing operation ng 501st Infantry Brigade sa nangyaring engkwentro kahapon sa nabanggit na lugar na ikinasawi ng dalawang teroristang NPA na kung saan ang isa ay nakilala na sa alyas na ‘Morga’, isang estudyante ng prestihiyosong unibersidad sa Manila.

Tumagal ang sagupaan ng isang oras bago umatras ang nasa dalawampung miyembro ng KomProb Cagayan at KomProb Isabela, Komiteng Rehiyon – Cagayan Valley o KR-CV patungong Timog-Silangang direksyon at iniwan ang dalawang kasama na nasawi sa labanan.

Inihayag naman ni Col Ferdinand Melchor Dela Cruz, Brigade Commander ng 501st Infantry Brigade na malaki ang papel ng bawat residente upang tuluyang mabura ang presensiya ng mga teroristang NPA sa buong probinsya ng Cagayan.

Muli namang hinikayat ng opisyal ang mga natitira pang NPA na magbalik-loob na sa pamahalaan.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/%f0%9d%97%a0%f0%9d%97%9a%f0%9d%97%94-%f0%9d%97%9a%f0%9d%97%94%f0%9d%97%a0%f0%9d%97%9c%f0%9d%97%a7-%f0%9d%97%a3%f0%9d%97%94%f0%9d%97%a1%f0%9d%97%97%f0%9d%97%9c%f0%9d%97%9a%f0%9d%97%a0%f0%9d%97%94/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.