Thursday, May 4, 2023

Kalinaw News: Mga bala at ilan pang personal kagamitan, narekober sa encounter site sa Santa Teresita, Cagayan

From Kalinaw News (May 4, 2023): Mga bala at ilan pang personal kagamitan, narekober sa encounter site sa Santa Teresita, Cagayan (Ammunition and some other personal equipment, recovered at the encounter site in Santa Teresita, Cagayan)



𝐂𝐀𝐌𝐏 𝐌𝐄𝐋𝐂𝐇𝐎𝐑 𝐅 𝐃𝐄𝐋𝐀 𝐂𝐑𝐔𝐙, 𝐔𝐩𝐢, 𝐆𝐚𝐦𝐮, 𝐈𝐬𝐚𝐛𝐞𝐥𝐚 – Patuloy ang isinagawang clearing operation ng 501st Infantry Brigade sa nangyaring engkwentro kahapon sa So Biguc, Brgy Alucao, Santa Teresita, Cagayan na ikinasawi ng dalawang teroristang NPA na kung saan ang isa ay nakilala na sa alyas na ‘Morga’, isang estudyante ng pretihiyosong unibersidad sa Manila.

Ang sagupaan ay tumagal ng isang oras bago umatras ang nasa dalawampung miyembro ng KomProb Cagayan at KomProb Isabela, Komiteng Rehiyon – Cagayan Valley (KR-CV) patungong Timog-Silangang direksyon at iniwan ang dalawang kasama na nasawi sa labanan.

Maliban sa dalawang R4 rifles, isang M16 rifle at isang M653 rifle na narekober sa pinangyarihan ng engkwentro, nabawi din ang mga sumusunod: (5) Magazines ng M16; (122) 5.56mm ammunition; (2) Commercial Radios; (2) Bandoliers; (1) power bank; (1) cooking pot; (2) back packs; (4) Cellphones; (3) chargers; (11) Sim Cards; at mga subersibong dokumento.

Ayon kay Col Ferdinand Melchor Dela Cruz, Bde Commander ng 501st Bde, malaki ang papel ng bawat residente upang tuluyang mabura ang presensiya ng mga teroristang NPA hindi lamang sa Sta Teresita kundi sa buong probinsya ng Cagayan.

Sa mga ganitong pangyayari ay patuloy ang pagsikip ng lugar na ginagalawan ng teroristang grupo kaya’t hinihikayat ng opisyal ang mga natitira pang rebelde na magbalik-loob na sa pamahalaan.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/%F0%9D%90%8C%F0%9D%90%86%F0%9D%90%80-%F0%9D%90%81%F0%9D%90%80%F0%9D%90%8B%F0%9D%90%80-%F0%9D%90%80%F0%9D%90%93-%F0%9D%90%88%F0%9D%90%8B%F0%9D%90%80%F0%9D%90%8D-%F0%9D%90%8F%F0%9D%90%80%F0%9D%90%8D/?fbclid=IwAR1wnrx5-sgFmceHOx36e_HHsTYMu3BrE2j0uf2nZam4QD8U-GN-PDp7Rdk

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.