Thursday, May 4, 2023

Kalinaw News: "Dating Milisyang Bayan, sumuko dalaang armas at pampasabog"

From Kalinaw News (May 4, 2023): "Dating Milisyang Bayan, sumuko dalaang armas at pampasabog" ("Former Town Militia, Surrendered with Weapons and Explosives")



Isang dating Milisyang Bayan sa ilalim ng PLATUN REYMARK mula sa bayan ng Macalelon ang sumuko sa 85th Infantry (SANDIWA) Battalion at PNP kanina ika -3 ng Mayo taong kasalukuyan. Kasabay sa isinuko ng dating Milisyang Bayan ang isang M16 rifle, isang magazine na may labindalawang bala at isang hand grenade.

Ayon sa sumuko, kasama sya sa mga NPA na nagsagawa ng pananambang sa tropa ng 85IB sa Brgy Cogorin, Lopez, Quezon noong taong 2017 kung saan isa ang nasawi at dalawa (2) ang nasugatan sa ating kasundaluhan.

Matatandaan na noong nakaraang taon, matapos lagdaan ang Memorandum of Understanding na nagdedeklara sa bayan ng Macalelon bilang isang Stable Internal Peace and Security (SIPS) o Insurgency-free ay tuloy-tuloy na ang pakikipagkaisa ng mga mamamayan sa layunin ng ating pamahalaan na panatilihing SIPS ang nasabing bayan. Pang apat na sa matataas na kalibre ng baril ang nasabing M16 rifle sa mga naisuko sa pamahalaan mula nung nadeklara na SIPS or Insurgency-free ang naturang bayan.

Ayon kay Ltc Joel R Jonson ang Battalion Commander ng 85IB, ang sunod sunod na pagsuko ng mga dating Milisyang Bayan na kasama ang mga naiwan na armas ay nagpapatunay lamang na wala na ang idelohiyang itinanim sa kaisipan ng masa at taos puso na sa mga dating nalinlang ng komunistang CPP-NPA-NDF ang pagsuko sa pamahalaan kalakip nito ang pakikipagtulungan sa ating kasundaluhan upang makamit ang tunay na kapayapaan at kaunlaran sa ika tatlo at ika apat na distrito ng Quezon.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/__trashed-274/?fbclid=IwAR2ZK0Jh3O6HnT23oJFXGElUlgEyiT19jv7vXXDwDyzQIgCPA9rhZL4gdPM

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.