Friday, April 28, 2023

Kalinaw News: Gunman sugatan matapos mabaril ng sundalo ng 6ID biktima nito nailigtas

From Kalinaw News (Apr 28, 2023): Gunman sugatan matapos mabaril ng sundalo ng 6ID biktima nito nailigtas (Gunman wounded after being shot by a 6ID soldier, his victim was rescued)



CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Isang sundalo ng 6th Infantry (Kampilan) Division ang agad na rumesponde matapos masaksihan ang pamamaril ng mga naka-motorsiklong gunmen sa isang ginang na sakay ng pulang Suzuki Multicab sa Crossing Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte pasado alas-4 Myerkules ng hapon (April 26, 2023).

Kinilala ni Major General Alex Rillera, Commander ng 6ID at Joint Task Force Central ang agarang pag-aksyon ng sundalo hinggil sa nasabing insidente at nagligtas ng biktimang si Mila Mendil Ulama, nasa hustong gulang at residente ng Sitio Baimagalen, Brgy. Upper Capiton ng nasabing munisipyo.

“Kinikilala natin ang ipinakitang katapangan ng ating sundalo dahil sa kahandaan nitong ilagay ang sariling buhay sa panganib upang makaresponde sa ano mang pangyayari. Hindi niya hinayaan na may mangyaring masama sa biktima at nailigtas niya ito sa kapahamakan mula sa mga gunmen. Agad naman dinala sa ospital ang biktima na ngayon ay nagpapagaling na”, pahayag ni Maj. Gen. Rillera.

Napag-alaman, sakay ng motorsiklo ang sundalo pabalik sa Crossing Awang mula sa Cotabato City, nang makita nito ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklong walang plate number at binaril ng backrider na suspek ang biktima habang nasa loob ng kanyang multicab.

Kaagad binunot ng sundalo ang kanyang dalang baril at pinaputukan ang gunmen kung saan tinamaan ito at tumakbong palayo. Ang kasamahan naman nitong drayber ay pumalayo ng ilang metro.

Habang hinihintay ang sugatang gunman ay pinaputukan ng kasabwat na drayber ang sundalo ngunit sa kabutihang palad ay hindi ito tinamaan.

Hinabol ng sundalo ang patakas na mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo papuntang Brgy. Tamontaka, DOS, Maguindanao subalit bumalik ito at inuna ang kapakanan ng biktima na mabigyan ng agarang atensyon na madala sa hospital at mabigyan ng karampatang lunas.






[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/gunman-sugatan-matapos-mabaril-ng-sundalo-ng-6id-biktima-nito-nailigtas/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.