Friday, March 24, 2023

CPP/NPA-Masbate: Matagumpay na koordinadong operasyong haras sa Placer at Dimasalang, ambag sa ika-54 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Mar 24, 2023): Matagumpay na koordinadong operasyong haras sa Placer at Dimasalang, ambag sa ika-54 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan! (Successful coordinated operations in Placer and Dimasalang, contribute to the 54th anniversary of the New People's Army!)
 


Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) 
New People's Army

March 24, 2023

Binabati ng Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan Masbate ang mga yunit sa ilalim nito sa matagumpay na koordinadong aksyong gerilya sa Barangay Locso-an bayan ng Placer at Barangay Gaid, Dimasalang noong Marso 22, 2023.

Sa koordinadong operasyong haras laban sa mga tropa ng 2nd Infantry Battalion – Phil. Army at PNP – Masbate, sampu (10) ang naitalang patay sa kaaway habang hindi bababa sa pito ang sugatan.

Mahigpit na tumalima ang NPA-Masbate sa internasyunal na makataong batas at sa sarili nitong “Tatlong Pangunahing Alituntunin sa Disiplina at Walong Bagay na dapat Tandaan” sa mga aksyong ito. Tiniyak ang kapakanan ng mga sibilyan sa paglulunsad ng mga operasyong ito.

Walang katotohanan sa anumang ipinapalabas ng Joint Task Force Bicolandia. Malayo sa populasyon at mga sibilyang institusyon ang pinagganapan ng naturang mga taktikal na opensiba.

Kinukundena rin ng BHB-Masbate ang pang-aatake sa mga eskwelahan sa desperasyong pagtakpan ang kanilang mga kabiguan. Ang kanilang mga ginawa ang siyang paglabag sa mga alituntunin ng digma.

Pinatutunayan ng mga taktikal na opensibang ito na walang katuturan ang deklarasyon ng AFP-PNP-CAFGU na estratehikong tagumpay laban sa rebolusyonaryong kilusan.

Napagtagumpayang mailunsad ng Hukbo ang mga operasyon habang naglulunsad ng focused military operations ang kaaway. Gumamit ng maraming drone, helicopter at tauhan ang kaaway subalit wala pa ring kamalay-malay ang mga berdugo na kumagat sa target. Patunay ito na anumang hamon ay kayang suungin ng Hukbo upang ipagtanggol ang masa.

Marami na mula sa mamamayan at maging sa mga kaibigan ng kilusan sa Masbate ang nagpaabot ng pagbati at pasasalamat sa naturang mga aksyon. Anila, kailangang-kailangan nila ang mga taktikal na opensiba ng Hukbo lalo’t mas nagiging teror ang paglawak ng militarisasyon sa prubinsya. Kailangan umanong pagbayarin ang kaaway sa halos araw-araw nitong mga krimen sa masa. Maging yaong mga kaibigan sa sektor ng edukasyon ay nagsusumbong sa sapilitan umanong pagrerekluta ng militar sa mga estudyante na mag-CAFGU.

Higit dito, lalong nauunawaan ng masang Masbatenyo ang pangangailangan at kawastuhan ng makatarungang digmang bayan bilang solusyon sa walang katapusan nilang dinaranas na pang-aapi at pagsasamantala. Marami ngayon ang nagnanais na sumapi sa Hukbo, laluna ang mga kabataan.

Kaugnay nito, nananawagan ang Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan Masbate sa sinumang edad 18 pataas, may malusog na pangangatawan at pag-iisip, may pagnanais na paglingkuran ang sambayanan at galit sa abusong militar na sumapi sa NPA. Sa inyong pagsapi sa armadong paglaban, tiyak mas sisigla at iigting pa ang ilinulunsad nating rebolusyonaryong armadong pakikibaka.#

https://philippinerevolution.nu/statements/matagumpay-na-koordinadong-operasyong-haras-sa-placer-at-dimasalang-ambag-sa-ika-54-anibersaryo-ng-bagong-hukbong-bayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.