March 24, 2023
Takot na takot na nangagsitakbuhan ang mga sundalo ng 2nd IB at nagpaputok sa loob ng mga lokal na eskwelahan sa dalawang barangay ng Masbate noong Marso 20 at 22 matapos makasagupa ang mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate.
Nagpakalat ng napakalaking kasinungalingan para pagtakpan ang kanilang karuwagan na pinalalabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na diumano’y mga Pulang mandirigma ang umatake malapit sa paaralan. Inulit pa ang kasinungalingang ito ng nag-aambisyong maging diktadtor na kalihim ng Department of Education (DepEd) na si Sara Duterte.
Malayo sa sibilyang populasyon at sa eskwelahan ang naganap na sagupaan sa pagitan ng BHB-Masbate at 2nd IB nang aktibong magdepensa ang mga Pulang mandirigma noong Marso 20 sa Barangay Villahermosa, Cawayan. Pagkatapos nito, nagpaputok ng baril at nagpasabog ng M203 sa kung anu-anong direksyon ang tropa ng 2nd IB malapit sa eskwelahan. Dulot ito ng takot matapos mapatay ang kumander ng tim na umatake laban sa BHB-Masbate sa naturang barangay.
Samantala noong Marso 22, tumakbo naman sa Locso-an National High School ang tropa ng militar at pulis na pinatamaan ng BHB sa Barangay Locso-an, Placer. Sapilitan nilang pinasok ang naturang eskwelahan kahit pa malayo ito sa pinangyarihan na siyang nagdulot ng takot sa mga guro at estudyante.
Ayon kay Ka Luz del Mar, tagapagsalita ng BHB-Masbate, dati nang taktika ito ng militar at pulis. “Sa kasong ito, tahasang pinuntirya ng militar ang mga eskwelahan sa kanilang taktikang false flag upang palitawing nilabag ng BHB ang mga makataong alituntunin sa digma sa ilinunsad nitong mga taktikal na opensiba,” paliwanag pa niya.
Giit ni Ka Luz, lubhang paglabag ito sa internasyunal na makataong batas at naghatid ng kapahamakan sa mga bata at guro. Nilabag nito ang Ika-4 na Bahagi, Artikulo 4, Numero 8 ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law o CARHRIHL:
“Ang mga tauhan at pasilidad ng mga eskwelahan, propesyong medikal, institusyong relihiyoso, at lugar ng pagsamba, mga boluntaryong sentro ng ebakwasyon, mga programa at proyektong panaklolo at kaunlaran ay hindi maaaring maging target ng anumang atake. Gagarantiyahan ang kaligtasan ng mga tauhan ng nasabing mga entidad.”
Samantala, hinamon ng BHB ang DepEd-Bicol na “imbestigahan muna ang mga pangyayari at huwag maging kasangkapan sa anumang pakulo ng mga militar…huwag padaskul-daskol na gumawa ng mga hakbanging magtutulak lamang sa ibayo pang militarisasyon sa mga eskwelahan.”
https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-sundalong-bahag-ang-buntot-nagpaputok-sa-eskwelahan-sa-masbate/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.