Friday, March 24, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Koordinadong aksyong gerilya, inilunsad ng BHB-Masbate; 10 sundalo at pulis, napatay

Ang Bayan Daily News & Analysis propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Mar 24, 2023): Koordinadong aksyong gerilya, inilunsad ng BHB-Masbate; 10 sundalo at pulis, napatay (Coordinated guerrilla action, launched by NPA-Masbate; 10 soldiers and police, killed)
 





March 24, 2023

Naglunsad ng koordinadong aksyong gerilya ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate sa Barangay Locso-an bayan ng Placer at Barangay Gaid, Dimasalang noong Marso 22. Napatay sa naturang mga armadong aksyon ang 10 tropa ng 2nd IB at Philippine Natioal Police-Masbate habang hindi bababa sa pito ang nasugatan.

Inilunsad ng yunit ng BHB ang mga armadong aksyon para idiskaril ang malawakang militarisasyong inilulunsad ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa magkakanugnog na mga bayan. Ayon pa kay Ka Luz del Mar, tagapagsalita ng BHB-Masbate, “gumagamit ng maraming drone, helicopter at tauhan ang kaaway subalit wala pa ring kamalay-malay ang mga berdugo na kumagat sa target. Patunay ito na anumang hamon ay kayang suungin ng Hukbo upang ipagtanggol ang masa.”

Samantala, iniulat din ng yunit ang aktibong depensa nito laban sa umaatakeng pwersa ng 2nd IB sa Barangay Villahermosa, Cawayan noong Marso 20. Napatay dito ang kumander ng umaatakeng yunit ng AFP na si Cpl. Antonio Pareno. Ligtas din umanong nakaatras ang mga Pulang mandirigma matapos ang labanan.

Giit ng BHB-Masbate sa harap ng paninira ng AFP, “mahigpit na tumalima ang BHB-Masbate sa internasyunal na makataong batas at sa sarili nitong “Tatlong Pangunahing Alituntunin sa Disiplina at Walong Bagay na dapat Tandaan” sa mga aksyong ito. Tiniyak ang kapakanan ng mga sibilyan sa paglulunsad ng mga operasyong ito.”

Ayon sa kanila, walang katotohanan ang anumang ipinapalabas ng Joint Task Force Bicolandia na malapit sa populasyon at sibilyang mga institusyon ang mga armadong aksyon.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/koordinadong-aksyong-gerilya-inilunsad-ng-bhb-masbate-10-sundalo-napatay/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.