Friday, March 24, 2023

CPP/NPA-Masbate: Mahigpit na pinanghawakan ng NPA-Masbate ang internasyunal na makataong batas sa matagumpay nitong mga aksyong gerilya ngayong Marso

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Mar 24, 2023): Mahigpit na pinanghawakan ng NPA-Masbate ang internasyunal na makataong batas sa matagumpay nitong mga aksyong gerilya ngayong Marso (NPA-Masbate strictly adhered to international humanitarian law in its successful guerrilla actions this March)



Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

March 24, 2023

Nagpupugay ang Jose Rapsing Command – New People’s Army Masbate sa mga yunit nito sa mga matatagumpay nitong mga aksyong gerilya sa mga bayan ng Placer, Dimasalang at Cawayan mula Marso 20-22, 2023. Nadiskaril ng naturang mga operasyon ang tangka ng kaaway na maglunsad muli ng malawakang militarisasyon sa mga komunidad.

Bilang ambag sa pagdiriwang ng ika-54 anibersaryo ng NPA, naglunsad ng sabayang operasyong haras ang ilang tim ng BHB-Masbate sa Brgy. Locso-an, Placer at Brgy. Gaid sa bayan ng Dimasalang noong Marso 22. Noon namang Marso 20, sa Brgy. Villahermosa, sa bayan ng Cawayan, aktibong nakapagdepensa at ligtas na nakamaniobra ang isang yunit ng NPA laban sa operasyong strike ng 2nd Infantry Battalion – Phil. Army. Batay sa panimulang tala, kabuuhang 11 ang napatay sa hanay ng AFP at PNP sa naturang mga aksyong militar.

Higit sa anuman, itinuturing ng BHB – Masbate na malaking tagumpay ang naturang mga aksyong gerilya lalo’t nailunsad ang mga ito nang may mahigpit na pagtalima sa internal na disiplina ng NPA at internasyunal na makataong batas. Walang nilabag na alituntunin ng digma ang NPA-Masbate sa naturang mga aksyon.

Para pagtakpan ang malalaking kabiguan, desperadong nagpapalabas ang AFP-PNP-CAFGU ng disimpormasyon at paninira sukat ang maghasik ng teror sa mga komunidad. Sa kasong ito, tahasang pinuntirya ng mga militar ang mga eskwelahan sa kanilang taktikang false flag upang palitawing linabag ng NPA ang mga makataong alituntunin sa digma sa ilinunsad nitong mga taktikal na opensiba.

Layunin ng kaaway na burahin ang malaking kabiguan sa pulitika at bigyang katwiran ang militarisasyon sa mga eskwelahan kaalinsabay ng malalaking operasyong militar. Sa katunayan, ilang ulat na ang natatanggap ng NPA-Masbate kaugnay sa presensya ng mga militar sa mga eskwelahan.

Malinaw sa mamamayan ng Masbate ang bakal na disiplina ng NPA. Kumikilos ito ng naaayon sa internal na disiplina at internasyunal na makataong batas at alituntunin ng digma. Batid ng sinuman na handa ang NPA na mag-imbestiga, umako ng responsibilidad at magpuna-sa-sarili kung may pagkakamali. Walang motibo ang NPA – Masbate na ipahamak ang pampulitikang reputasyon lalupa’t batid nito ang desperasyon ng kaaway na ipinta ang mga armadong rebolusyonaryo bilang terorista.

Ang mga ilinulunsad na taktikal na opensiba ng NPA ay pagtatanggol sa mga komunidad na inaatake ng teroristang AFP-PNP-CAFGU. Sa nangyaring aktibong depensa sa Brgy. Villahermosa, bayan ng Cawayan, pinigilan ng yunit ng JRC-NPA ang kaaway sa walang habas nitong pagpapaputok sa eskwelahan. Dulot nito, napatay ang commanding officer ng strike team na si Cpl. Antonio Pareno. Bakas pa sa eskwelahan ang mga bala ng M203 na mula sa militar. Malayo din sa eskwelahan ang ginanapan ng operasyong haras. Sa halip, umatras at sapilitang pinasok ng militar ang Locso-an National High School kahit pa malayo ito sa pinangyarihan na siyang nagdulot ng takot sa mga guro ng naturang eskwelahan.

Kaugnay nito, hinihimok ng NPA – Masbate ang DepEd – Bicol na imbestigahan muna ang mga pangyayari at huwag maging kasangkapan sa anumang pakulo ng mga Maritess na militar. Hinihimok rin ang Department of Education na huwag padaskul-daskol na gumawa ng mga hakbanging magtutulak lamang sa ibayo pa ngang militarisasyon sa mga eskwelahan.

Higit anupaman, kahit anong gawin ng kaaway, malinaw sa mamamayang Masbatenyo na para sa kanilang kapakinabangan ang mga ilinulunsad na taktikal na opensiba ng NPA-Masbate. Nirerespeto ng bawat Masbatenyo ang ilang dekada ng tuluy-tuloy na armadong paglaban sa prubinsya. Sa katunayan, maraming masa at kaibigang pulitiko at lokal na upisyal sa prubinsya ang nagpahayag ng pasasalamat sa mga nailunsad na taktikal na opensiba ng NPA dahil diniskaril nito ang plano ng AFP-PNP-CAFGU na maglunsad ng malaking operasyong militar sa kanilang mga komunidad.##

https://philippinerevolution.nu/statements/mahigpit-na-pinanghawakan-ng-npa-masbate-ang-internasyunal-na-makataong-batas-sa-matagumpay-nitong-mga-aksyong-gerilya-ngayong-marso/


No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.