Monday, February 20, 2023

Kalinaw News: “Dating Communist NPA Terrorist Supporter; kusang loob na nag suko ng M16 A1 Rifle”

Posted to Kalinaw News (Feb 21, 2023): “Dating Communist NPA Terrorist Supporter; kusang loob na nag suko ng M16 A1 Rifle”



Sa pamamagitan ng community visitation at puspusang kampanya na isinasagawa ng ating pamahalaan; sa pangunguna ng 85IB at ng Kapulisan, isang dating Communist NPA supporter ang kusang loob na nag suko ng M16 A1 rifle kanina ika 11 ng umaga sa Advance Command Post ng 85IB sa Brgy San Rafael Lopez, Quezon. 

Ayon sa nagsuko ng Armas, bilang dating sumuporta sa armadong grupo, pinagkatiwalaan at ipinatago sa kanya ng mga NPA ang nasabing armas noong nkaraang taon. 

Matapos nga ang sunod sunod na labanan, pagkamatay at pag suko ng mga NPA noon lamang nkaraang buwan, naisip na niyang ipagbigay alam at isuko ang nasabing armas upang lubos nang mawala ang pagka bagabag sa kanyang isipan. 

Dahil dito taos pusong nagpasalamat si Lieutenant Colonel Joel R Jonson; ang Battallion Commander ng 85IB sa patuloy na pagtitiwala ng mga mamamayan sa sinsiridad na hangarin ng pamahalaan para sa kapayapaan at kaunlaran. Kasabay nito, ang pagbibigay ng kaunting pabuya sa nagsuko ng Armas. 

Ayon sa kanya, patunay lamang ito na maari nang maging isang insurgency free ng nasabing bayan at lalawigan.





[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/dating-communist-npa-terrorist-supporter-kusang-loob-na-nag-suko-ng-m16-a1-rifle/?fbclid=IwAR3nae5BafuDZM_HfPXFNaleLcepU0FsK8fyQ38jkPnwkuHiV2naFDY-xbk

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.