Monday, February 13, 2023

Kalinaw News: Dalawang NPA patay, mga armas narekober sa engkwentro sa pagitan ng kasundaluhan at teroristang grupo

Posted to Kalinaw News (Feb 13, 2023): Dalawang NPA patay, mga armas narekober sa engkwentro sa pagitan ng kasundaluhan at teroristang grupo (Two NPA dead, weapons recovered in encounter between army and terrorist group)

CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela- Ikinalungkot ng 5th Infantry Division (5ID) at ng Provincial Task Force-End Local Communist Armed Conlfict (PTF-ELCAC) ng Cagayan ang pagkamatay ng dalawang miyembro ng teroristang grupo matapos ang nangyaring magkasunod na engkwentro sa bahagi ng Barangay Sta. Margarita, Baggao, Cagayan, hapon ng ika-13 ng Pebrero 2023.

Kasalukuyang nagpapatrolya ang kasundaluhan ng 17th Infantry Battalion sa kagubatang sakop ng Barangay Sta Margarita nang makasagupa ang nasa tinatayang 15 na miyembro ng Komiteng Probinsya Cagayan-Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.

Nagtagal ang sagupaan ng mahigit tatlumpung minuto na nagresulta sa pagkakasawi ng isang NPA at pagkakarekober ng isang M16A1 na may magazine. Matapos nito ay agad na tumakas ang mga miyembro ng teroristang grupo.

Agad namang nagsagawa ng pursuit operation na kung saan muling natunton ng tropa ng 17IB ang mga teroristang NPA. Sa ikalawang pagkakataon, nagkaroon ng sagupaan na nagtagal naman ng labinlimang minuto. Muli, isang miyembro ng teroristang grupo ang nalagas at isang Bushmaster rifle na may magazine ang narekober.

Samantala, nananawagan ang PTF-ELCAC ng Cagayan sa mga natitira pang mga miyembro ng teroristang grupo na magbalik-loob na sa pamahalaan dahil kailanman ay walang pinatutunguhan at walang patutunguhan at pagsasayang lamang ng buhay ang kanilang huwad na pinaglalaban.

Hindi titigil ang 5ID sa pagtugis sa mga miyembro ng Komiteng Probinsya Cagayan-Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.

Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.

https://www.kalinawnews.com/dalawang-npa-patay-mga-armas-narekober-sa-engkwentro-sa-pagitan-ng-kasundaluhan-at-teroristang-grupo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.