Friday, August 19, 2022

Kalinaw News: Mga Dating Milisyang Bayan, Mainit na Tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Tanay

From Kalinaw News (Aug 18, 2022): Mga Dating Milisyang Bayan, Mainit na Tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Tanay (Former Town Militias, Warmly Received by the Local Government of Tanay)



BARAS, Rizal – Ika-15 ng Agosto, 2022 nang pormal na iprinisenta sa Lokal na Pamahalaan ng Tanay, Rizal na pinamunuuan ni Kgg. Rafael Tanjuatco, Punong Bayan, Chairman ng Municipal Task Force End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) ang dalawang miyembro ng Milisyang Bayan na sumuko kamakailan sa himpilan ng 80th Infantry (STEADFAST) Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Erwin Y. Comendador.

Sina @JAY at @ZYRINE/SAYRA/LYN, kapwa kabilang sa katutubong Dumagat/Remontado, ay mga dating kasapi ng Platun Sentro De Grabidad, Komiteng Larangan Gerilya Narciso, Sub-Regional Military Area 4A, ng Southern Tagalog Regional Party Committee (Platun-1 SDG, KLG Narciso, SRMA 4A, STRPC). Ang turn over ceremony ay ginanap sa Municipal Building ng Bayan ng Tanay lalawigan Rizal.

Ang dalawang former rebels (FR) ay bukas palad at mainit na tinanggap ng mahal na Punong Bayan Tanjuatco, sa pakikipagtulungan ng pamahalaang Lokal ng Barangay Daraitan sa pamumuno ni Kgg. Rodel F. Hinagpisan, Punong Barangay at Chairman ng Barangay Task Force End Local Communist Armed Conflict (BTF-ELCAC), na sinaksihan ng ilang konsehal ng pamahalaang barangay ng Daraitan.

Ang programa na ito ay naglalayong pagtibayin pa ang pagpapatupad ng E.O. 70 at pagpapahigpit ng tungkulin ng NTF-ELCAC na tuloy-tuloy na magampanan ang kanilang mandato na ganap na wakasan ang insurhensya sa bansa. Kabilang sina @JAY at @ZYRINE/SAYRA/LYN sa mga makakatanggap ng benepisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). Samantala, nananawagan pa rin ang 80th Infantry Battalion sa mga nais pang sumuko at magbagong buhay na mga miyembro ng CPP-NPA-NDFP. Hindi pa huli ang lahat upang tahakin ang landas ng tunay na kapayapaan.

M

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/mga-dating-milisyang-bayan-mainit-na-tinanggap-ng-lokal-na-pamahalaan-ng-tanay/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.