Friday, August 19, 2022

Kalinaw News: Mga Armas at Kagamitan, Narekober sa Isang Sagupaan

From Kalinaw News (Aug 18, 2022): Mga Armas at Kagamitan, Narekober sa Isang Sagupaan (Arms and Equipment, Recovered in an Encounter)




BARAS,Rizal- Isang labanan sa pagitan ng pwersa ng 80th Infantry (Steadfast) Battalion at teroristang NPA ang naganap kanina, Agosto 13, ganap na 10:30 hanggang 10:35 ng umaga sa Sitio Sapang Munti, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan. Kabilang sa Platun 1 (Sentro De Grabidad), Komiteng Larangan Gerilya Narciso, Sub-Regional Military Area 4A, ng Southern Tagalog Regional Party Committee (Platun-1 SDG, KLG Narciso, SRMA 4A, STRPC) ang mga miyembro ng teroristang NPA na nakalaban ng pwersa ng 80IB. Dahil sa impormayson na binigay ng ating mga kababayan at sa tuloy-tuloy na Focused Military Operation (FMO) na pinamahalaan ni Lt. Col. Erwin Y. Commendador, napigilan ang paghahasik ng takot at mga iligal na gawain ng teroristang NPA.

Nagresulta ang limang minutong labanan sa pagkarekober ng mga armas, kagamitan, pagkain at subersibong dukumento na pagmamay-ari ng mga miyembro ng NPA tulad ng mga sumusunod; isang (1) Assault Rifle, 5.56mm: M16 na mayroong serial number: L961255; isang (1) 5.56mm: M16 short magazine na mayroong 9 rounds ng bala; isang (1) 9mm pistol burado ang serial number; isang (1) .45 caliber pistol burado ang serial number; dalawang (2) granada; tatlong (3) smart phones; isang (1) sakong bigas; isang (1) mapa; mga magasin, bala at iba pang mga subersibong kagamitan.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa panig ng tropa ng pamahalaan habang inaalam pa ang kaswalti sa panig ng kalaban. Asahan na magpapatuloy pa ang mga isinasagawang FMO upang tugisin ang mga nalalabi pang kasapi ng teroristang NPA. Ani LtCol Comendador, “lubos ang aking pasasalamat sa mga residente sa pakikipagtulungan sa ating pamahalaan sa pagbibigay ng mahalagang impormasyon hingil sa kinaroroonan ng mga kasapi ng NPA”. Tuluyan nang namumulat ang sambayanan sa katotohanan dahil sa sunod-sunod na operasyon na inilulunsan sa pangunguna ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Samantala, bukas palad na tatanggapin ng himpilan ng 80IB ang sinumang magnanais na isuko na ang kanilang armas at tumahak na sa pagbabagong buhay upang tuluyan nang matapos ang deka-dekadang armadong tunggalian.




[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/mga-armas-at-kagamitan-narekober-sa-isang-sagupaan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.