Wednesday, April 20, 2022

Kalinaw News: Mga Kasundaluhan naka-engkwentro ang mga teroristang NPA sa Oriental Mindoro

Posted to Kalinaw News (Apr 20, 2022): Mga Kasundaluhan naka-engkwentro ang mga teroristang NPA sa Oriental Mindoro (Troops have encountered NPA terrorists in Oriental Mindoro)



GLORIA, ORIENTAL MINDORO – Isang grupo ng Teroristang NPA na pinaniniwalaang mga miyembro ng Komiteng Larangan Gerilya IGNACIO CALABRIA MAGADIA, SRMA 4D, STRPC ang naka engkwentro ng mga kasundaluhan mula sa 76th Infantry (Victrix) Battalion, 203rd Brigade, 2nd Infantry Division, PA.

Ang nasabing pangyayari ay naganap sa Sitio Pitong Gatang, Brgy Manguyang, Gloria, Oriental Mindoro umaga ng April 17, 2022. Habang nagsasagawa ng combat operations.

Ang ating mga kasundaluhan sa pangunguna ni 1Lt. John Vincent L Calopez ay naka engkwentro ang teroristang grupo na humantong sa humigit kumulang na 10 minuto na labanan at pagkakarekober ng dalawang (2) matataas na uri ng baril katulad ng M-16 Rifle, dalawang (2) Magazine, walong ( 8 Cellphone, anim (6) na Flash drive, limang (5) Improvised Explosive Device, Isang (1) Commercial Radio, mga subersibong dokumento at mga personal na kagamitan ng mga Teroristang NPA.

Bago ang nasabing pangyayari, isang impormasyon ang nakarating sa ating mga kasundaluhan mula sa lokal na residente ng Sitio Pitong Gatang hinggil sa mga kinaroroonan ng nasabing Teroristang Grupo.

Ayon sa impormasyon, may humigit kumulang na walong ( 8 katao na may mga dala-dalang matataas na kalibre ng baril ang naglalagi sa kanilang nayon at nasabing nangingikil sa karatig sitio.

Ayon kay LtCol William O Romero, Acting Commanding Officer ng 76IB ang pagbibigay impormasyon at pakikipagtulungan ng mga residente sa lugar ay bunga ng pagsisikap ng programa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ng National Task Force Ending Local Communist Armed Conflict sa pamamagitan ng Mobile Community Support Sustainment Team (MCSST) at Retooled Community Support Program (RCSP) na isinigawa ng 76IB at kapulisan sa Brgy Manguyang, Gloria.

Ito ay pagpapatunay at pagtitibay lamang na ang mamamayan sa Bayan ng Gloria ay sawa na sa mga kasinungalingan at pang-aabuso na ginagawa ng mga Teroristang NPA.
Malapit ng makamtam ang matagal ng minimithi ng mga Mindoreño na kapayapaan sa isla ng Mindoro at katahimikan ng mga katutubong Mangyan.

Ayon kay Brigadier Gen. Jose Augusto V Villareal, pinuno ng 203rd Bantay Kapayapaan Brigade, “Ang mga kasundaluhan ay laging handang tumulong sa sino mang nagnanais na magbalik loob sa gobyerno at magpapailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) o Task Force Balik loob. Ito na ang tamang panahon upang makamtan ang tunay na pagbabago tungo sa maunlad at mapayapang pamumuhay sa ilalim ng pag-akay ng gobyerno at naaayon sa batas.”



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/mga-kasundaluhan-naka-engkwentro-ang-mga-teroristang-npa-sa-oriental-mindoro/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.