Wednesday, April 20, 2022

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Mga sundalo, naghahasik ng lagim sa Agusan del Norte

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 20, 2022): Mga sundalo, naghahasik ng lagim sa Agusan del Norte (Soldiers, sowing terror in Agusan del Norte)
 





April 20, 2022

Mula Pebrero hanggang ikalawang linggo ng Marso, walang tigil ang 29th IB sa paghahasik ng terorismo laban sa mga sibilyan sa mga baryo sa Santiago at Jabonga, Agusan del Norte. Bahagi ito ng kampanyang kontra-insurhensya ng rehimeng Duterte.

Sa Santiago, sinalakay ng mga elemento ng 29th IB noong Marso 15 ang mga bahay ng mga minero sa Sinamparong sa Mt. Manhupao. Hinalughog nila ang mga bahay at inakusahang mga suporter ng BHB ang mga nakatira rito. Ginulo nila ang gamit at pinaghahagis pati ang mga alagang manok.

Bago nito, noong Marso 3, kinordon at nilimitahan sa 5 kilong bigas lamang ang pwedeng bilhin ng mga residente sa Palo 11, Barangay Poblacion sa parehong bayan. Pinipipirma at minomonitor din ang mga minerong pumapasok sa panning area ng Mt. Manhupao. Isang sibilyan ang pinaputukan ng kumander ng detatsment ng CAFGU sa lugar.

Noong Pebrero 22, pitong minero ang iligal na inaresto at tinortyur sa Mt. Manhupao. Pinagbantaan sila para pigilang magsalita tungkol sa pangyayari.

Noong Pebrero 20, sinalakay at niransak din ng mga sundalo ang tatlong bahay sa Sinamparong, Mt. Manhupao. Noong Pebrero 16, inakusahan ng mga sundalo ang minerong si Mario Montel na sumusuporta sa BHB dahil lamang may nakaimbak siyang pagkain sa isang tunnel mine. Aniya, ang pagkain ay suplay niya at iba pang minero habang nasa panning erya.

Sa Jabonga, nilimitahan ng 29th IB ang bigas na maaaring bilhin ng mga residente matapos sila akusahan na mga tagasuporta ng BHB. Tuwing umaga lamang din sila pwedeng bumili. Ang maliliit na tindahan sa lugar ay pinagbawalan na magtinda ng bigas sa mga sityo at komunidad ng Lumad at magsasaka.

https://cpp.ph/angbayan/mga-sundalo-naghahasik-ng-lagim-sa-agusan-del-norte/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.