Crispin Apolinario
Spokesperson
NPA-West Cagayan (Danilo Ben Command)
Cagayan Valley Regional Operational Command (Fortunato Camus Command)
New People's Army
April 16, 2022
Hindi engkwentro kundi isang ekstrahudisyal na pamamaslang ang naganap noong gabi ng Huwebes Santo, ika-14 ng Abril 2022, na kumitil sa buhay ni Saturnino “Ka Peping” Agunoy kasama ang dalawa niyang medik na sina Augusto “Ka Val” Gayagas at Mark “Ka Uno” Canta. Pawang mga di-armado at wala sa katayuang lumaban ang tatlong biktima, at kapwa senior citizen sina Ka Peping at Ka Val. Bigla na lang silang pinagbabaril matapos harangin ng mga berdugong militar ang sinasakyan nilang van sa kahabaan ng kalsada ng Piat, Cagayan.
Mariing kinukundena ng Danilo Ben Command – New People’s Army West Cagayan ang uhaw-sa-dugong pamamaslang ng isang platun ng 17th Infantry Battalion sa pamumuno ni 2nd Lt. Joshua Arpon, OPCON, 501st Infantry Brigade sa mga di-armado at wala sa katayuang lumaban tulad nina Ka Peping. Hindi makatarungan at labag sa international humanitarian law (IHL) ang ekstrahudisyal na pamamaslang na ito. Taliwas sa nais palabasin ng militar, wala silang armas na bumiyahe palabas ng sonang gerilya para sa pangangailangang pang-medikal ni Ka Peping.
Walang sinasanto ang pasistang AFP sa paghahasik nito ng teroristang lagim laban sa mga mamamayan sa bayan ng Piat at Sto. Niño. Upang pagtakpan ang karumal-dumal na krimen at gawing kapani-paniwala ang palabas na engkwentro, naghulog ng anim na bomba at nag-istraping ang Philippine Air Force (PAF) sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Sto. Niño mula alas-dos hanggang alas-kwatro ng hapon ng Biyernes Santo kahit walang aktwal na engkwentro sa pagitan ng AFP at NPA. Ginamit nito ang OV-10, FA-50 at dalawang attack helicopters.
Tinarget ng walang-patumanggang pambobomba at istraping mula sa himpapawid ang mga taniman ng mga magsasaka ng Sto. Niño. Imbes na mataimtim na makapagnilay-nilay ang mga masang Katoliko sa Mahal na Araw, nililigalig sila ng sindak na dulot ng terorismo ng AFP sa mga mamamayan.
Sa ekstrahudisyal na pagkitil sa buhay nina Ka Peping, Ka Val, at Ka Uno, lalong tumitingkad ang teroristang katangian ng AFP. Mabubuhay ang kanilang rebolusyonaryong diwa sa pagpupursige ng lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa probinsya ng Cagayan upang ipagpatuloy at isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon.###
https://cpp.ph/statements/ejk-hindi-engkwentro-ang-naganap-sa-piat-cagayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.