Monday, April 18, 2022

CPP/NPA-Sorsogon: Myembro ng death squad ng militar, patay sa operasyong isparo ng NPA

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 17, 2022): Myembro ng death squad ng militar, patay sa operasyong isparo ng NPA (Member of the military death squad, killed in the NPA sparrow operation)



Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

April 17, 2022

Napatay sa operasyong isparo ng NPA si Elvin Janapin Alzaga, 37, sa Barangay Guinlajon, Sorsogon City nitong Byernes, Abril 15.

Si Alzaga ay intelligence asset at myembro ng death squad na inoopereyt ng 96th Military Intelligence Company (MICO) mula pa noong 2019. Naging aktibo siya sa pagtuturo at panggigipit sa mga mangingisda at magsasakang pinagbibintangang kaanib ng rebolusyonaryong kilusan sa lungsod. Kabilang siya sa grupong dumukot sa ilang kasapi ng ligal na organisasyong Samahan ng mga Magsasaka sa Sorsogon (SAMASOR) nito lamang Pebrero. Ang mga dinukot na magsasaka ay pinakawalan din matapos ipagpalipat-lipat sa iba’t ibang safehouse at kampo ng militar sa probinsya.

Madalas na naging kalahok si Alzaga sa mga operasyong militar at pulis para sindakin at pwersahang “pasukuin” sa ilalim ng ECLIP ang walang kalaban-labang mga sibilyan sa mga baryong saklaw ng Hacienda Beringuer at Hacienda Peralta sa syudad.

Kabilang si Alzaga sa grupo ng mga maton at mga dating NPA na ginagamit ng militar at pulisya sa mga ekstrahudisyal na pamamaslang sa iba’t ibang bahagi ng probinsya. Kasama siya sa operasyon ng 96th MICO na pumaslang sa Pulang kumander na si Edwin “Ka Dupax” Dematera noong Hunyo 2019.

Ang pagpaparusa kay Alzaga ay tugon ng rebolusyonaryong kilusan sa daing ng kanyang mga biktima. Nakumpiska sa kanya ang isang kalibre .38 rebolber.

Samantala, napag-alaman namin na isang kwatro anyos na batang taga-Barangay Gimaloto sa syudad ang nadaplisan ng bala sa naturang operasyon ng NPA.

Mabuti na lamang at menor ang naging sugat ng bata at agad ding nakauwi matapos dalhin sa ospital. Humihingi kami ng dispensa sa pamilya ng bata at nakikipag-ugnayan na kami sa kanila para sagutin ang ginastos sa pagpapagamot at alamin ang iba pang asistensyang dapat naming maibigay para sa pagpapagaling ng bata.

https://cpp.ph/statements/myembro-ng-death-squad-ng-militar-patay-sa-operasyong-isparo-ng-npa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.