Monday, April 18, 2022

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Pagbasura sa SIM registration, aprubado ng mga grupo

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 18, 2022): Pagbasura sa SIM registration, aprubado ng mga grupo (Revocation of SIM registration, approved by groups)




April 18, 2022

Aprubado sa mga demokratikong organisasyon ang pag-veto o di pagpapatibay ni Rodrigo Duterte sa “SIM card registration bill” na panukalang batas na mag-oobliga sa mga tao na irehistro ang kanilang pangalan sa paggamit ng serbisyong pangtelekomunikasyon at paglikha ng akawnt sa social media.

“Ikinagagalak namin ang pag-veto sa SIM card Registration Bill kahit pa alam naming nagpapatuloy mga atake ng estado sa aming pribasiya kahit wala ang batas na ito,” ayon kay Renato Reyes, pangkalahatang kalihim ng Bayan. Ang pag-obliga sa mamamayan na irehistro ang kanilang numbero at mga social media account ay isang porma ng sarbeylans ng estado at hindi ito nakapipigil sa krimen, aniya.

Kung nais ng estado na itigil ang paglaganap ng mga anomynous troll account, unahin ni Duterte ang pagbuwag sa sarili nitong mga troll farm, dagdag ni Reyes. Dapat pigilan nito ang mga may-ari ng mga akawnt na ito ang mga atake tulad ng redtagging. Dapat ding harapin ng rehimen ang mga reklamo sa pang-aatake sa mga website ng mga nagtatanggol sa mga karapatang-tao at sa midya.

“Ang malaking problema ay direkta at di direktang nakikinabang ang gubyerno sa mga kriminal na aktibidad sa online,” aniya.

Hindi pinirmahan ni Duterte ang panukala noong Abril 15 dahil hindi umano siya sang-ayon sa ipinasok na pagpaparehistro sa mga akawnt sa social media, ayon sa pahayag ng Malacanang. Ang probisyong ito ay wala sa orihinal na panukala at isiningit lamang ng Senado.

Ikinagalak din ng mga organisasyong nagtataguyod ng pribasiya at kalayaan sa internet ang pagbasura ni Duterte sa panukala. Kabilang dito ang grupong democracy.net na tumutol sa panukala dahil gagawin nitong kriminal ang karapatan sa anonymity at pseudonimity (paggamit ng ibang pangalan) sa internet.

https://cpp.ph/angbayan/pagbasura-sa-sim-registration-aprubado-ng-mga-grupo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.