Friday, March 11, 2022

Hinihinalang rebelde patay sa engkwentro sa Catanduanes

From ABS-CBN (Mar 12, 2022): Hinihinalang rebelde patay sa engkwentro sa Catanduanes (Suspected rebel killed in encounter in Catanduanes)

Isang hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) ang napatay nang maka-engkwentro umano ang mga sundalo at pulis sa bayan ng San Miguel, Catanduanes nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa 9th Infantry Division ng Philippine Army, nagsagawa ng security operation ang mga awtoridad sa lugar matapos makatanggap ng impormasyon sa umano'y presensiya ng mga hinihinalang rebelde sa lugar.

Tumagal ng 45 minuto ang palitan ng putok sa Sitio Kuripdas, Barangay JMA Alberto, ayon sa militar.

NPA 'secretary', asawa patay sa engkwentro sa Misamis Oriental

Narekober nila ang mga armas kagaya ng M14 rifle, mga pampasabog at iba pang personal na gamit ng mga hinihinalang rebelde. —Ulat ni Karren Canon

https://news.abs-cbn.com/news/03/12/22/hinihinalang-rebelde-patay-sa-engkwentro-sa-catanduanes

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.