NPA-Kalinga
Ilocos-Cordillera Regional Operational Command (Chadli Molintas Command)
New People's Army
February 18, 2022
Mariing pinapabulaanan ng Lejo Cawilan Command-NPA Kalinga ang lumabas na pahayag ng AFP-PNP sa Guru Press, isang lokal na pahayagan sa Kalinga, at iba pang media outfit, hinggil sa di umano pagkatuklas nila sa isang kampo ng NPA sa Sitio Patiging, Brgy. Naneng, Tabuk City noong Pebrero 9, 2022.
Ang nasabing balita ay pawang kathang-isip ng AFP-PNP sa istoryang pinamagatang Oplan Eaglespear upang magpasikat at makakopo ng promosyon at pabuya. Dinaig pa ng AFP-PNP ang script writer ng isang pelikula sa pagka-detalyado ng gawa-gawang kwentong ito. Ilang ulit ng isinangkot ng AFP-PNP ang NPA sa kanilang mga kasinungalingan, mula sa mga pekeng surrenderee, pekeng labanan at pekeng mga kampo at imbak na kanilang nahanap, liban pa sa napakaruming mga intriga at propagandang kanilang pinakakalat, pati mga misenkawnter sa hanay nila ay sa NPA nila sinisisi. Hindi na nadala ang AFP-PNP mula sa makailang ulit na pagkapahiya dahil sa pagkabunyag ng mga fake news na inilalathala nila sa internet. Imbes na magamit sa pagharap sa pandemya, nag-aaksaya ng kaban ng bayan ang AFP-PNP sa paggawa ng kalokohan at pagpapakalat ng disimpormasyon sa internet sa panahong naghahanap ang taong-bayan ng tunay at napapanahong impormasyon. Nakahanda silang lokohin maging mismo ang mga sarili nila para lang palabasin na may nakamit sila kahit na aktwal ay ampaw ang mga ito.
Dapat maging maingat ang mga mamamayan sa pagkalap ng mga impormasyon. Lalo na kung ito ay mula sa AFP-PNP ay dapat maging mapanuri at wag basta-basta maniwala dahil napakahaba na ng listahan ng mga ito sa pagiging sinungaling. At para sa mga pahayagan, media outfit at mga mamamahayag, dapat maging responsable sa paglalabas ng mga balita at impormasyon lalo na at nakaasa sa inyo ang bayan upang maghatid ng tunay, walang pinapanigan at napapanahong impormasyon. Malaki ang papel niyo upang mabigyang kaalaman ang masa kaya naman marapat lang na walang bahid ng sariling interes at makatotohanan ang inyong pagbabalita.####
https://cpp.ph/statements/afp-pnp-numbero-unong-sinungaling/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.