Tuesday, November 9, 2021

CPP/Ang Bayan: Opensiba ng BHB sa Iloilo

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the PRWC Newsroom Website (Nov 7, 2021): Opensiba ng BHB sa Iloilo

Pinasabugan ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Panay ang nagpapatrulyang kontra-insurhensyang yunit ng 606th Mobile Company ng pulis noong Oktubre 24 sa Barangay Jolason sa bayan ng Tubungan, Iloilo. Dalawang pulis ang nasugatan sa opensiba. Bago nito, pinaputukan ng BHB ang detatsment ng naturang yunit sa katabing Barangay Mayang sa parehong araw.

Sa Masbate, tatlong pulis ng 2nd Police Mobile Force Company ang napaslang at dalawang iba pa ang sugatan sa opensibong aksyon ng BHB-Masbate sa Barangay Badiang, Catangian noong Oktubre 9.

Noong Setyembre 20, pinaputukan ng BHB-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command) ang nag-ooperasyong tropa ng 46th IB sa Barangay Bugho, Pinabacdao. Isa ang kumpirmadong napatay habang apat ang nasugatan sa mga sundalo. Samantala, sinunog ng mga Pulang mandirigma ng BHB-Northern Samar (Rodante Urtal Command) ang iniwang kampo ng 20th IB sa Barangay San Miguel, Las Navas noong Setyembre 1.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cppangbayan.wordpress.com/2021/11/07/opensiba-ng-bhb-sa-iloilo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.