Binati ng mga progresibong grupo at iba’t ibang sektor ang panukala sa senado na kaltasan ang badyet ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) mula ₱28 bilyon tungong ₱4 bilyon, para sa taong 2022. Gayunpaman, panawagan nila na mas mainam na “tanggalan” na ito ng badyet at buwagin ang ahensya na responsable sa sistematikong panggigipit at pandarahas sa mga kritiko ng rehimeng Duterte.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat, “Wasto [ang hakbang na] ito dahil ginagamit lamang ng NTF-ELCAC ang pondo nito para sa pag-red-tag at panggigipit sa progresibong mga grupo at indibidwal. Dapat lamang itong buwagin at tanggalan ng pondo.”
Kabilang sa mga nanawagan na buwagin ang NTF-ELCAC at tanggalan ito ng pondo si Vice Pres. at kandidato pagkapresidente na si Leni Robredo.
Ang planong pagkaltas sa badyet ng NTF-ELCAC ay inianunsyo ng senado noong Martes matapos na isumite ang General Appropriations Bill noong parehong araw na naglalayong maglaan ng ₱5.024 trilyon sa pambansang badyet para sa susunod na taon.
Pinuna ng ilang senador ang NTF-ELCAC dahil sa maanomalyang paggamit ng ahensya sa ₱19.33 bilyong pondo nito noong 2021. Pinakamalaki rito ang ₱16.4 bilyon na Local Government Support Funds sa ilalim ng programang Barangay Development Program, at ₱2.9 bilyon na inilaan sa ibang mga ahenya para sa mga “gastusing administratibo at pang-operasyon.” Sa pondong ito, nabigo ang ahensya na idokumento kung paano nito ginamit ang ₱19.1 bilyon noong 2021.
“Imbes na gamitin ang kaban ng bayan sa pag-atake sa mamamayan o ibulsa ito, mas maigi kung ito ay gamitin na sa programa sa bakuna, ayuda, at pagpapalakas ng pampublikong mga serbisyong pangkalusugan laluna sa mga erya kung saan mataas ang kaso ng Covid-19,” panawagan ng Bayan Muna.
Kahapon, nalantad sa pagdinig sa Senado na 26 lamang sa 2,318 proyekto ng NTF-ELCAC noong 2021 ang nakumpleto nito. Nagkakahalaga ang mga proyektong ito ng ₱16.4 bilyon sa kabuuan. Tinatayang 900 proyekto pa ang nasa yugto ng pre-procurement (paghahanda para sa pabili o pagkuha ng serbisyo) at nasa 700 ang nasa yugto ng procurement (kasalukuyang bumibili o kumukuha ng serbisyo), habang nasa 560 naman ang kasalukuyang tinatapos pa.
Pinaiimbestigahan din ng Senado ang kwestyunableng pahayag ng NTF-ELCAC na umabot diumano sa 13 milyong aktibidad ang naisagawa ng Philippine National Police (PNP) gamit ang pondo ng NTF-ELCAC noong nakaraang taon. Kung kakalkulahin, katumbas ng bilang na ito ang 43,333 aktibidad kada araw sa nakalipas na 10 buwan, na ayon sa mga senador ay hindi kapani-paniwala. Si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar mismo ang nagsabi na gumastos umano ang ahensya ng ₱766 milyon para dito.
Walang kongkretong ulat ang NTF-ELCAC at PNP para patunayan na nakapaglunsad nga ito ng ganoong karaming operasyon at ipaliwanag ang maanomalyang paggamit sa pondo ng ahensya.
https://cppangbayan.wordpress.com/2021/11/12/zero-is-better-tanggalan-ng-badyet-ang-ntf-elcac/

[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]
https://cppangbayan.wordpress.com/2021/11/12/zero-is-better-tanggalan-ng-badyet-ang-ntf-elcac/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.