Lumaganap ang panawagang #NotoMarcosDuterte2022 sa hapon ng Nobyembre 13 matapos maghapag ng kandidatura pagkabise-presidente si Sara Duterte. Agad siyang “inampon” ilang kandidato ng partido ni Ferdinand Marcos Jr para buuin ang tambalang Marcos-Duterte sa 2022. Tumatakbo ang nakababatang Duterte sa ilalim ng Lakas-CMD, ang partido ni Gloria Arroyo.
“Kunwari na lang nagulat tayo,” ang reaksyon ng maraming netizen. “Di sorpresa na hahantong ang mahabang dramaserye sa pagkakaisa ng mga pamilya ng magnanakaw at tirano,” ang reaksyon ni Bong Labog ng Kilusang Mayo Uno at kandidato pagkasenador.
“Malinaw na ang labanan,” ayon kay Neri Colmenares, Bayan Muna at kandidato rin pagkasenador. Buo na ang tambalan para sa “tiraniya, dinastiya at korapsyon,” aniya. “Riding-in-tandem na nanakaw at papatay sa kinabukasan ng bayan!” ang anunsyo ng Kabataan Partylist.
Ang pwestuhan ng Marcos para presidente at Duterte para bise ay nabuo matapos ang ilang buwang maniobrahan at negosasyon sa pagitan ng ng mga kampong Marcos, Arroyo at Duterte o MAD.
Sa alyansang ito ng “pinakamasasahol na kinatawan ng pasismo,” ang mga Marcos, na “pinakamay-pera sa tatlo,” ng lumilitaw “dominante sa pagtatakda ng planong elektoral. Ito ay ayon sa pahayag ni Marco Valbuena, upisyal sa impormasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas, sa isang pahayag noong Nobyembre 12. “Bumabaha ang pondo mula sa bilyun-bilyong pisong nakaw na yaman ng mga Marcos na ngayon ay ginagamit nila para pagharian ang eleksyon at bilihin ang katapatan sa pulitika.”
Ang tambalang Marcos-Duterte ay “hudyat na ng isang maduming halalan,” ayon kay Jerome Adonis ng KMU. “Tungkulin ng lahat ng manggagawa at mamamayang Pilipino ang pagbigo” sa tambalang ito.
“Ang tungkulin ng oposisyon ay magkaisa at magsumikap kasama ang lahat ng mga nagmamahal sa demokrasya at kalayaan para biguin ang pinakamasamang alyansa ng mga dinastiya at umuusbong na mga tirano,” ayon pa kay Colmenares.
https://cppangbayan.wordpress.com/2021/11/13/notomarcosduterte2022-umalingawngaw-sa-buong-bansa/

[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]
https://cppangbayan.wordpress.com/2021/11/13/notomarcosduterte2022-umalingawngaw-sa-buong-bansa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.