Saturday, October 9, 2021

Kalinaw News: Kabataang Mandaya ng Lupon, Nakilahok sa IP Youth Peace Forum

Posted to Kalinaw News (Oct 8, 2021): Kabataang Mandaya ng Lupon, Nakilahok sa IP Youth Peace Forum



New Bataan, Davao De Oro – Isinagawa kaninang umaga, Oktubre 08, 2021 ang Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) – IP Youth Peace Forum na may temang, “Building Sustainable Peace and Development for Davao Oriental Indigenous Cultural Communities” sa Brgy Maragatas, Lupon, Davao Oriental.

Dinaluhan ang nasabing programa ng nasa tatlumpong (30) kabataan na nasa edad 15 hanggang 21 taong gulang na kabilang sa tribong Mandaya ng Brgy Maragatas Indigenous Cultural Community na masikhay na nakiisa at nakinig sa mga paksang tinalakay ng mga Subject Matter Experts gaya ng Perpective of a Youth Leader; Rights of IP Youth; Laws on Child Exploitation and Abuse; Insights on EO70; Roles of IP Youth in ELCAC at Communist Terrorist Group (CTG) Deceptive Recruitment and Exploitation of IP Youth.

Layunin ng Lupon MTF-ELCAC ang mailayo ang mga kabataan sa masamang gawain lalo na sa mapaminsalang dulot ng panlilinlang at pangrerekrut ng mga CTGs sa mga kanayunan na sakop ng probinsya ng Davao Oriental at kinokonsiderang “Conflict Affected Areas”.

Pinangunahan ang nasabing programa ni Lupon MTF-ELCAC Chairman Erlinda D. Lim na siya ring alkalde ng bayan ng Lupon katuwang ang lokal na pamahalaan ng Brgy Maragatas na pinamumunuan ni Brgy Chairwoman Beverly L. Rebalde; Sanguniang Kabataan ng Brgy Maragatas SK Richard R. Arguilles; Brgy IPMR Vicente M. Catog, Municipal Police Station ng Lupon at kasundalohan ng 66th Infantry (KABALIKAT) Battalion.

Ayon kay Kapitana Beverly Rebalde, lubos ang kanyang pasasalamat sa mga myembro ng MTF-ELCAC ng Lupon katuwang ang 66IB sa pag-organisa ng IP Youth Peace Forum sa kanilang lokalidad, giit pa niya, na sana’y magpatuloy ang ganitong mga programa upang tuluyan ng magwakas ang panlilinlang ng mga CTGs at pangrerekrut ng kabataan sa kanilang pamayanan.

Dagdag pa ni Lt. Colonel Julius M. Munar, Battalion Commander ng 66IB, isa sa mga prayoridad ng Philippine Army ang mailayo ang mga kabataan sa mapanlinlang na gawain ng mga CTGs sa mga kanayunan at mapagtagumpayan ang layunin ng Task Force-ELCAC sa pagsugpo ng insurhensiya sa bansa.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/kabataang-mandaya-ng-lupon-nakilahok-sa-ip-youth-peace-forum/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.