Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 8, 2021): ICC, nanumpang uungkatin ang katotohanan sa “gera kontra-droga” ni Duterte
ANG BAYAN | OCTOBER 08, 2021
Nangako si Karim Khan, punong prosekyutor ng International Criminal Court na uungkatin ang katotohanan sa “gera kontra-droga” ni Rodrigo Duterte sa harap ng pagtanggi ng mga upisyal ng rehimen na makipagtulungan sa internasyunal na korte.
Sa pahayag ni Khan noong Oktubre 7, sinabi niyang layunin ng kanyang imbestigasyon na ungkatin ang katotohanan at tiyaking may mananagot sa sinasabing mga krimen laban sa sangkatauhan sa “gera kontra-droga” ni Duterte mula 2011 hanggang 2019.
Ani Khan, mananatiling bukas ang kanyang upisina. na makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Pilipinas sa kabila ng mariing pagtanggi ng mga upisyal ni Duterte. Hihimukin din ng ICC ang kooperasyon ng mga organisasyong sibiko at iba pang katimbang para mabigyan-hustisya ang mga biktima at apekadong mga komunidad.
Matapos ianunsyo ang pagreretiro sa pulitika, sinabi ni Duterte noong Oktubre 5 na “maghahanda’ na siya para sa imbestigasyon ng ICC. (“Nagretiro” na rin siya noong 2016, bago niya pinalitan ang si Matin Dino bilang kandidato pagkapresidente.)
Malamang na aabutin ng eleksyong 2022 ang imbestigasyon at paglilitis kay Duterte at kanyang mga kasapakat. Sa mga kumakandidato pagkapresidente sa susunod na taon, ilan na ang nagpahayag ng “pagbubukas” sa imbestigasyon ng ICC. Tulad ng inaasahan, nangako na si Bongbong Marcos na “ipagtanggol” si Duterte at ang kanyang madugong “gera kontra-droga.”
[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. t other corners of the world. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]
https://cpp.ph/angbayan/icc-nanumpang-uungkatin-ang-katotohanan-sa-gera-kontra-droga-ni-duterte/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.