Saturday, October 9, 2021

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Gubyernong Duterte, “walang alam, walang hiya at sugapa”—mga duktor

Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 9, 2021): Gubyernong Duterte, “walang alam, walang hiya at sugapa”—mga duktor


ANG BAYAN | OCTOBER 09, 2021



Muling nagpahayag ng labis-labis na galit ang mga duktor sa inutil, manhid at batbat ng korapsyon na tugon ng rehimeng Duterte sa pandemyang Covid-19. Sa isang pahayag na inilabas noong Oktubre 8, sinabi nilang kailangan ng overhaul o sistematikong pagbabago ang sistemang pangkalusugan ng bansa. Anila, kailangan paglaanan ng estado ng malaking pondo at lagyan ng mga eksperto sa syensya at teknolohiya ang tugon sa pandemya. Kailangan din ng kapasyahan sa pulitika ng mga namumuno para mabilis itong magawa.

Nahawa at namatay na ang mga Pilipino dahil sa pandemyang Covid-19, anila. Pero mas masahol dito ang kawalang ng kakayahan, pagkamanhid at korapsyon ng mga nasa poder na dapat sana’y namuno at nagtanggol sa kanila.

Ang mga pulitiko at personalidad na walang-walang kasanayan ang nagpapatakbo sa bansa, ayon sa mag duktor. Inaabuso nila ang kanilang kapangyarihan nang walang kapararakan, winawaldas at ninanakaw nila ang pera ng bayan. ”Itong mga kunwa’y lider na ibinoto sa poder… ay walang natitirang hiya, sugapa at walang pakialam kung paano mabubuhay ang mamamayan,” anila.

Sinusuportahan ng mga duktor ang pagdinig sa Senado na bumubusisi sa mga maanomalyang kontratang nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso na ibinigay ng mga upisyal ni Duterte sa Pharmally, isang di kwalipikadong kumpanyang Chinese. Ilang linggo nang tumatakbo ang pagdinig na nagdetalye sa pagbili ng sobrang mahal at malapit nang mag-expire na mga gamit medikal.

Kabilang sa mga pumirmang duktor ang dating kalihim ng ng Departmeng of Health na si Esperanza Cabral, dating tagapayo ng National Task Force ni Duterte laban sa Covid-19 na si Tony Leachon, kumbenor ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 na si Antonio Dans at ang dating presidente ng Philippine Heart Association na si Rafael Castillo.

[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. t other corners of the world. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]

https://cpp.ph/angbayan/gubyernong-duterte-walang-alam-walang-hiya-at-sugapa-mga-duktor/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.