Wednesday, October 20, 2021

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Presyo ng langis, abot langit ang pagsirit

Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 20, 2021): Presyo ng langis, abot langit ang pagsirit






Sa nakaraang walong linggo, walong beses ding itinaas ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng mga produktong petrolyo. Kung ibabatay sa pagsisimula ng taon, P19.70 kada litro na ang nadagdag sa presyo ng gasolina, at P18 kada litro naman ang nadagdag kada sa diesel.

Tiyak nang abot-langit na pagsirit ng mga presyo ng pagkain at iba pang produktong pangkonsumo sa darating na mga buwan dahil dito.

Presyo ng mga produktong petrolyo kada litro mula Enero hanggang sa kasalukuyan.
Diesel (Regular) Gasolina (Unleaded)
Metro Manila P42.50-P54.17 P49.50- P70.44
Northern Luzon P44.85-P69.05 P51.45 – P79.80
Southern Luzon P41.60- P61.27 P50.87 – P73.09
Visayas P46.80 -P64.95 P54.75 – P73.96
Mindanao P46.10 – P70.65 P53.00 – P74.85
Pinagkunan: Philippine Daily Inquirer

Sinasabing ang mga pagtaas sa presyo ay dulot ng pagtaas ng presyo ng krudong langis tungong $80 kada bariles sa internasyunal na pamilihan.Sumisirit ang presyo ng krudong langis dahil sa pagtanggi ng Organization of Petroleum Exporting Countries, Russia at mga alyado nito na itaas ang produksyon ng krudong langis. Noong nakaraang linggo, tinaya pa ni Vladimir Putin, presidente ng Russia, na hindi gagalaw ang OPEC kahit pa umabot sa $100 kada bariles ang krudong langis. Ang mabilis na pagtaas ng presyo ay nagaganap sa gitna ng pagtaas ng demand sa malalamig na bansa at napababalitang kakulangan sa suplay sa China at Europe.

Sa Pilipinas, inililihim ng mga kumpanya sa langis ang pormula na ginagamit nito sa pagtatakda ng kani-kanilang mga presyo, gayundin ang pagkwenta sa nararapat na dagdag na presyo tuwing may galaw sa pandaigdigang pamilihan. Kung pagbabatayan ang Mean of Platts Singapore (MOPS), na pamantayan ng Department of Energy (DOE) sa karaniwang presyo ng diesel at gasolina sa kalakalan, lalabas na sobra nang hanggang P5 kada litro ang presyong tingi ng mga lokal na kumpanya ng langis sa mga produkto nito.

Hindi rin isinasapubliko ng mga kumpanya sa langis kung saan sila nag-aangkat, laluna’t liban sa Petron, lahat ng kumpanya ay hindi nag-aangkat ng krudong langis kundi ng mga yaring produktong petrolyo. Bukod dito, laganap ang ismagling ng mga produktong petrolyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Dahil dito, ipinanukala ng blokeng Makabayana na idetalye ng mga kumpanya ng langis ang batayan ng kanilang pagpepresyo at isapubliko ito. Inihapag ng bloke ang House Bill No. 10386, o ang Unbundling of Oil Prices Act of 2021 noog Oktubre 18.

Gayundin, dapat ibasura ang P10 dagdag na buwis sa gasolina na ipinataw noong Mayo sa gitna ng pandemya para makalikom diumano ng pondong pang-ayuda.

Dapat ding ibasura ang ang nauna pang P10 na ipinataw na excise tax sa gasolina, P6 sa diesel at P3 sa bawat kilo ng LPG na ipinatong sa 12% na value added tax. Ang nabanggit na dagdag na buwis ay itinakda noong 2018 ng TRAIN Law. Ang lahat ng mga dagdag na buwis na ito ay ipinataw sa panahon ng rehimeng Duterte. Kapag tinanggal, kalahati ng presyo ng mga produktong petrolyo sa mga gasolinahan ang matatapyas.

[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]

https://cpp.ph/angbayan/presyo-ng-langis-abot-langit-ang-pagsirit/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.