Ang Bayan Daily News and Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 27, 2021): Mga progresibong partido, nag-anunsyo na ng kanilang mga nominado para sa Kongreso
ANG BAYAN | SEPTEMBER 27, 2021
Nag-anunsyo noong Setyembre 26 ang mga progresibong partidong Bayan Muna, Anakpawis Partylist, Gabriela Women’s Party, Kabataan Partylist at ACT Teachers Partylist — kilala bilang blokeng Makabayan — ng kumpletong listahan ng kanilang mga nominado sa Kongreso para sa halalang 2022.
Para sa Bayan Muna, inihalal si Teddy Casino bilang unang nominado nito, kasunod sina Rep. Ferdinand Gaite (kasalukuyang kinatawan nito sa Kongreso at presidente ng COURAGE) bilang pangalawang nominado at si Amirah Lidasan, pangkalahatang kalihim ng Moro Christian Peoples Alliance at kumbenor ng alyansa ng mga katutubo na Sandugo. Pinangalanan din ng grupo sina Atty. Kristi Conti ng National Union of Peoples’ Lawyers, Pepito Pico, John Ruiz at Roman Polintan bilang dagdag na mga nominado.
Ang kasalukuyang mga kinatawan nito sa Kongreso na sina Rep. Carlos Zarate at Rep. Eufemia Cullamat ay inihalal bilang presidente at pangalawang bise-presidente para sa Mindanao ng partido.
Muling inihalal ng Gabriela Women’s Party si Rep. Arlene Brosas bilang unang nominado. Tatayong pangalawa at pangatlong nominado sina Dr. Jean Lindo a Lucy Francisco.
Inihalal ng Anakpawis Party-list ang dating kalihim ng Department of Agrarian Reform at kinatawan nito mula 2004 hanggang 2013 na si Rafael “Ka Paeng” Mariano bilang unang nominado. Sina Lana Linaban ng Kilusang Mayo Uno at Francisco Mariazeta Jr ang tatayong pangalawa at pangatlong nominado ng partido.
Pinili rin ng ACT Teachers Party-list ang kasalukuyan nitong kinatawan sa Kongreso na si Rep. France Castro bilang unang nominado. Sina Antonio Tinio, na kumatawan sa partido sa Kongreso mula 2010 hanggang 2019, ang pangalawang nominado at si Dr. David Michael San Juan ang pangatlo. Nominado rin bilang ikaapat at ikalimang kinatawan sina Helene Dimaukom at Fabian Hallig.
Si Raoul Manuel, dating presidente ng National Union of Students of the Philippines, ang pinili ng Kabataan Partylist bilang unang nominado. Sina Angelica Galimba, Jandeli Roperos, Jianred Faustino, Jayvie Cabajes, Vince Alloso at RJ Ledesma ang magsisilbing pangalawa hanggang pampitong nominado ng partido.
Una nang inanunsyo ang pagtakbo ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa Senado. Sinuportahan naman ng Anakpawis Partylist ang kandidatura sa pagkasenador ni Bong Labog ng Kilusang Mayo Uno. Nakatakda silang pormal na hirangin bilang mga kandidato sa kumbensyon ng Makabayan ngayong araw.
[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. t other corners of the world. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]
https://cpp.ph/angbayan/mga-progresibong-partido-nag-anunsyo-na-ng-kanilang-mga-nominado-para-sa-kongreso/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.