Tuesday, September 21, 2021

CPP/Ang Bayan: Konsultant sa usapang pangkapayapaan, palayain!

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 21, 2021): Konsultant sa usapang pangkapayapaan, palayain!



Ipinanawagan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ng Partido Komunista ng Pilipinas ang kagyat na pagpapalaya kay Loida Magpatoc, konsultant sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at gubyerno ng Pilipinas. Ligtas dapat siya sa pag-aresto at panggigipit sa ilalim ng Joint Agreement on Safety ang Immunity Guarantees. Dapat kagyat na ibasura ang gawa-gawang mga kasong isinampa laban sa kanya. Dapat din siyang kagyat na bigyan ng ligal na representasyon at medikal na atensyon.

Iligal na dinakip si Magpatoc sa Barangay Paitan, Quezon, Bukidnon noong Setyembre 15. Sinampahan siya ng gawa-gawang kasong pagpaslang at pangwawasak ng ari-arian.

Noong Setyembre 16, iniutos ng korte ng Quezon City ang kagyat na pagpapalaya kay Esterlita Suaybaguio, isa ring konsultant ng NDFP, matapos ibasura ang kaso ng illegal possession of firearms and explosives laban sa kanya. Iligal siyang inaresto sa kanyang tinirhan sa Quezon City noong 2019.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/09/21/konsultant-sa-usapang-pangkapayapaan-palayain/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.