Tuesday, August 24, 2021

Kalinaw News: Matataas na dating lider ng Southern Mindanao Regional Command Committee nagplenum sa loob ng 10ID

Posted to Kalinaw News (Aug 23, 2021): Matataas na dating lider ng Southern Mindanao Regional Command Committee nagplenum sa loob ng 10ID



MAWAB, DAVAO DE ORO – Kamakailan lamang nitong Agosto 2021 ay napag-alamang nagplenum o nagpulong ang dating mga matataas na lider ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) sa loob ng lugar na nasasakupan ng 10ID.

Ang naturang pagpupulong ay dinaluhan nina:
ARIAN JANE OCHATE RAMOS @MARIKIT, Sec GF55, SRC5, SMRC
NOEL M LEGASPI @JEFFREY, 1st DepSec, FSMR
JOY JAMES ALCOSER SAGUINO @CHE/AMIHAN Deputy Secretary of SRC1, Secretary, WGF 20, Secretary of SCR1 Peasant Bureau
IVAN CONAN S CAEL @MACKOY/RAPRAP/GREG, Sec SRC 3, SMRC
CHRISTIAN BALATERO PASTOR @KHAN, CO, WGF 33, SRC 4, SMRC
Eddie Saramosing GENELSA @Lando Pahak/Brad/Jimbo; Vco, Roc, Smrc/Ndf Consultant
Paulette Malaga Santos-Castillo @ ELLA/YELLLA/BA-I/DONNA ; Regional Coordinator of RMP, Regional Peasant Secretariat, SMRC.
PRIEL BOOC @YANO, Trade Union, South/Courier Organizer
DANIEL LOUIS SANTOS CASTILLO @STEVEN, 2nd Political Instructor/ GP, GF55, SRC5, SMRC
Pedro Baguio ARNADO @BENOY Regional Chairperson, KMP-Southern Mindanao Region/National Treasurer, KMP and Member, KALUMARAN-Mindanao
ROBERTO OLEA ROSETE, JR @ALEX BOBBY/BARLEY ; CO, PBC3; CO, PBB;VCO, ROC; and Head, RPMA, all of SMRC
Kurt Russel O Sosa @UGNAY, Sec WGF3 Dep Sec 1, SRC4, SMRC

Bahagi ng pagpupulong ay ang planong tuluyan ng wakasan ang insurhensiya sa bansa partikular sa ginagalawan ng SMRC, ang timog-silangang Mindanao. Maraming mga patunay ng karanasan ang ibinahagi ng mga dating lider ng SMRC sa pagpupulong. Kaya’t ganun na lamang ang kanilang pag-asang makakabawi sila sa mga taong kanilang naperwisyo at niloko. Ang pinakalayunin ng nasabing pagpupulong ay ang pagsasagawa ng “Total Exposure” laban sa SMRC at sa lahat ng galamay ng CPP-NPA-NDF.

Ayon kay @Marikit, “Mas maganda na ngayon ang ginagawa ng gobyerno at natutulungan ang masa dahil ang insurhensiya ay labanan naman talaga ng kung sino ang may hawak sa masa. Dahil dito, nailalantad ang hungkag na layunin ng teroristang CPP-NPA-NDF at mga alyadong grupo nito sapagkat ang kanilang propaganda ay hindi naman talaga nakatuon para paunlarin ang bansa kundi pabagsakin ito gamit ang masa at sistema ng gobyerno.”

Ang pahayag na ito ay pinapangalawahan naman ni @Mackoy na sumasang-ayon sa magiging istratehiya ng kanilang samahan bilang mga former members ng teroristang grupo. Sabi ni Mackoy, “Kailangan nang tuldukan ang mga walang kuwentang armadong pakikibaka sapagkat nagbago na ang pananaw ng taumbayan, mas nakatutok na sila sa pagpapaunlad sa kanilang lugar at sila na rin ang nagrereport sa mga presensya ng mga terorista.”

Ang pagpupulong ay bahagi lamang ng pagpapalakas ng paraan ng pagsugpo sa insurhensiya sa bansa. Katuwang na ngayon ng 10ID ang mga dati nitong kalaban, o kalaban ng bayan, sa paglalantad ng mga katiwalian ng SMRC, kawalan ng liderato at ang internal na hindi pagkakasundo sa paghawak ng pananalapi.

Sa unang pagkakataon, naganap sa isang kampo ng militar ang plenum ng mga rebelde pero sa pagkakataon ding ito, sila ay nag-uusap-usap bilang mga dating miyembro ng kilusan at hangad nila ang kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng mga lugar na dati nilang ginalawan.

Paglilinaw ni ka Noel, na ang pagpupulong nila ay base sa kanilang karanasan na punahin ang sarili. Kaya naman aminado siyang hindi talaga magtatagumpay ang komunismong terorismo sa bansa. Binigyang-diin nito na ang EO 70 ng pamahalaan at ang NTF-ELCAC ay syang dumurog sa mga guerill fronts sa bansa. “Sana isabatas na ang EO 70 upang lalo pang sumigla ang daloy ng mga programang magbibigay-seguridad sa mga mamamayan. Tamang edukasyon at impormasyon ay ilan lang sa mga dapat tutukan ng pamahalaan upang wala ng malinlang ang CPP-NPA-NDF.”

“Ang Executive Order 70 ng Pangulo ay patunay lamang ng pagbabagong-anyo ng ating pamahalaan, ang dating pagkakanya-kanya ngayon ay may iisang direksiyon na at nagtutulungan pa upang buwagin, basagin, at tapusin ang local communist armed conflict,” ang sabi naman ni ka Bobby.

Ang naturang pagpupulong ay ang una sa mga gagawing FR Summit sa loob ng 10ID AOR upang bigyan ng pagkakataon ang mga dating miyembro ng komunistang grupo na magpahayag at bumalangkas ng kapamaraanan tungo sa ikakapayapa at ikauunlad ng bayan.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/matataas-na-dating-lider-ng-southern-mindanao-regional-command-nagplenum-sa-loob-ng-10id/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.