Friday, June 11, 2021

Kalinaw News: Mga baril at bala isinuko ng isang Former Rebel

From Kalinaw News (Jun 11. 2021): Mga baril at bala isinuko ng isang Former Rebel

CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela- Isinuko ng isang Former Rebel (FR) ang dalawang (2) mataas na kalibre na baril sa 77th Infantry Battalion noong ika-09 ng Hunyo taong kasalukuyan matapos siyang magbalik loob sa pamahalaan.

Isang M16 rifle at isang US M1 Carbine ang sinuko ni alyas John-John sa tropa ng pamahalaan. Mayroong tag isang magazine ang isinukong mga baril na may 29 bala ng M16 at 12 naman na bala ng US M1 Carbine. Ayon kay alyas John-John, nagdesisyon siyang isuko ang mga baril bilang suporta sa pamahalaan laban sa mga teroristang Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA).

Ang mga baril, magazine at bala ay dinala sa Headquarters ng 77IB sa Barangay Masi, Alcala, Cagayan para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Matatandaang si alyas John-John ay dating miyembro ng iskwad Dos, East Front Committee, Komiteng Probinsya-Cagayan, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley ng teroristang CPP-NPA na nagbalik-loob sa pamahalaan noong ika-16 ng Nobyembre 2020. Sumuko si alyas John-John nang makita nya ang sinseridad at pagsisikap ng pamahalaan na malutas ang mga pangunahing isyu ng komunidad at maipaabot ang mga serbisyo at programa ng pamahalaan sa mamamayan na hindi ni minsan nagawa ng mga teroristang grupo.

Sa pamamagitan ng Community Support Program ng pamahalaan, nabuo ang tiwala ng mga mamamayan sa kasundaluhan na nagresulta ng kanilang pakikipagtulungan upang wakasan ang limang dekadang problema sa insurhensiya. Patunay dito ang ginawang pakikipagtulungan ng mga kaanak ni alyas John-John na siya ay kumbinsihin upang isuko na ang kanyang itinagong mga baril noong siya ay aktibo pang miyembro ng CPP-NPA.

Ayon kay MGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army, isa sa mga mahahalagang susi ng patuloy na tagumpay sa kampanya laban sa insurhensiya ay ang pakikipagtulungan at pakiki-isa ng mga mamamayan sa pamahalaan. “Lubos ang aking pasasalamat sa mamamayan sa kanilang tumitinding pakikipag-ugnayan sa ating kasundaluhan upang wakasan ang insurhensiyang isinusulong ng CPP-NPA. Ang ating pagtutulungan ay magbubunga ng kapayapaan na magbibigay daan naman sa kasaganaan ng lahat. Sa ating pagkakaisa, tuloy-tuoy nating makakamit ang mas maliwanag na kinabukasan.”

“Nagpapasalamat din ako kay alyas John-John sa tiwala niya sa ating kasundaluhan at sa pamahalaan. Makakaasa siya sa aming pag-alalay upang makuha ang karampatang benepisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP” saad pa ni MGen Mina.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/mga-baril-at-bala-isinuko-ng-isang-former-rebel/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.