From the Philippine Information Agency (May 17, 2021): Tagalog News: 9 dating rebelde nagbalik loob sa pamahalaan (By Dennis Nebrejo)
Ipinagkaloob ni PRO Mimaropa Regional Director PBGen Nelson Bondoc ang ilang mga gamit at sertipikasyon sa isa sa siyam na dating rebeldeng nagbalikloob sa pamahalaan bilang katunayan sa pagbabagong buhay na ginanap sa Camp Efigenio C Navarro sa lungsod kamakailan. (kuha ng PRO Mimaropa)
LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 17 (PIA) -- Inanunsiyo ni Police Regional Office (PRO) Mimaropa Regional Director, PBGen Nelson B Bondoc ang pagsuko ng siyam na dating rebelde upang magbalik-loob sa pamahalaan na nagmula sa iba’t-ibang lugar sa isla ng Mindoro. Ang pagsuko ay isinagawa sa Camp Efigenio C Navarro sa lungsod na ito kamakailan.
Sinabi ng heneral sa kanyang mensahe, “malaking dagok sa hanay ng kilusang Communist Terrorist Group (CTG) na New Peoples Army (NPA) Red Fighters ang pagkawala ng siyam nilang kasapi at ipinapakita lamang dito na humihina na ang kanilang puwersa at ito din ang pagtugon ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar sa Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte o ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).”
Ayon pa kay Bondoc, ilan sa mga sumuko ay kabilang sa mga samahang Komiteng Larangang Gerilya na may iba’t-ibang posisyon na pinaghahawakan na siyang may kaugnayan sa CTGs.
Matagal na aniya silang nais sumuko at bumalik sa normal na pamumuhay matapos matanto ang masamang gawain ng CTG na siyang malaki ang naging epekto nito sa kanilang pamumuhay at pamilya.
Upang mapatunayan ang hangaring pagbabago sa ginawang pagsuko, kanilang itinakwil ang nasabing komunistang samahan at nanumpa ng katapatan sa pamahalaan at sa konstitusyon ng Pilipinas.
“Malaki na rin ang katagumpayan at naiambag ng NTF-ELCAC sa mga dating lumalaban sa batas na siyang nagbigay ng pag-asa at kapayapaan sa kanilang buhay malaya. Patuloy akong nananawagan sa mga kapatid natin sa kabundukan na bumaba na at damhin ang kalinga ng pamahalaan at mamuhay ng marangal,” pagtatapos na mensahe ni Bondoc.
Ang mga dating rebelde ay sumuko sa iba’t-ibang mga himpilan ng kapulisan at kampo ng kasunadaluhan sa buong isla ng Mindoro. (DN/PIA-OrMin)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.