Posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 18, 2021): Shutdown ng Power Supply sa Rapu-rapu at iba pang bayan sa Albay, EPIRA ang dapat sisihin!
FLORANTE OROBIASPOKESPERSON
NPA-ALBAY (SANTOS BINAMERA COMMAND)
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (ROMULO JALLORES COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
MAY 18, 2021
Ang malaking suliranin ng mga taga Rapu-rapu, Albay sa pagkawala ng suplay sa kuryente ay hindi hiwalay sa mas malaking problema ng mamamayang Pilipino pagdating sa mabilis na pagsirit ng presyo ng kuryente sa buong kapuluan. Kahit saang anggulo tingnan, hindi naging sagot ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) sa patuloy na pagsirit ng presyo ng kuryente, taliwas ito sa inaasahan ng karamihan na ito ang kasagutan upang mapigilan ang ganitong tunguhin.
Sa ilalim ng EPIRA, sistematikong binitiwan ng reaksyunaryong estado ang pagbibigay ng abot-kayang serbisyo ng isang napakabatayang yutilidad. Sa ilalim din ng itinutulak ng liberalisasyon ng EPIRA, nakontrol ng kartel ang produksyon, transmisyon at distribusyon ng kuryente. Nagsisilbing tagapagtanggol na lamang ng mga burukrata kapitalistang may hawak ng mga malalaking kumpanya ng kuryente ang nakatayong Energy Regulatory C (ERC). Ang pagtutol ng mamamayan sa EPIRA ay kaakibat din ng kanilang pagtutol sa sunod-sunod na kagustuhan ng IMF-World Bank sa pribatisasyon, denasyunalisayon, deregulasyon at liberalisasyon.
Hindi nagamot ng pagsasapribado ng Albay Electric Corporation (ALECO) ang napakataas na bayarin sa kuryente. Tumaas ang singil sa kuryente pero hindi natigil ang brown-out sa ilalim ng Albay Power Electric Corporation (APEC). Sa panahong ito, tigil ang ekonomya hindi lamang sa Albay kundi sa buong bansa. Lugmok ang kabuhayan at balisa sa kanilang pang-araw-araw na pagkukunan ng makakain, pinarusahan pa ng APEC ang kanyang mga konsumer.
Ang APEC ay bahagi ng San Miguel Global Power Holdings na pinamumunuan ni Ramon Ang – kroni ni Duterte. Habang nalulunod ang mamamayan sa krisis ng Covid-19 at militaristang lockdown ni Duterte, lalong tumaas ang kita at tubo ng SMC. Kaya hindi totoong nalulugi ang pamumuhunan nito sa industriya ng kuryente. Nabawi na ng APEC ang inisyal nitong pamumuhunan sa ALECO dahil sa napakataas na presyo ng kuryente nitong mga nagdaang taon. Sukdulang pamimiga na lamang ito ng kanilang kaganidan sa tubo.
Ang tanong, anong meron sa bayan ng Rapu-Rapu na pinag-iinteresan at kutsabahan ng mga malaking burgesya kumprador at ni Duterte. Tumataas ang value ng ginto at iba pang mineral sa pandaigdigang pamilihan.
Panawagan ng Santos Binamera Command – NPA Albay (SBC – NPA Albay) sa mamamayan ng Rapu-Rapu at mamamayang Albayano, maging mapagbantay at mapanuri sa pambabraso ng mga multinasyunal na korporasyong ito sa isla ng Rapu-Rapu.
Sa mamamayang Albayano, hindi lamang EPIRA ang kailangan tapatan ng pakikibaka. Bahagi lamang ito ng mga patakarang neoliberalismo na ipinapataw ng IMF-WB na mismong ang rehimeng US-Duterte ang tagapagtaguyod.
Sa mga kagawad ng midya, ilantad ang tunay na dahilan ng power shutdown sa Rapu-Rapu at iba pa.
Labanan ang mga patakarang neoliberal ng rehimeng US-Duterte!
Ibalik ang power supply ng Rapu-Rapu at iba pa!
APEC, ganid sa tubo!
https://cpp.ph/statements/shutdown-ng-power-supply-sa-rapu-rapu-at-iba-pang-bayan-sa-albay-epira-ang-dapat-sisihin/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.