Friday, April 23, 2021

CPP/Ang Bayan: Malaking bagay ang ₱100 umento sa arawang sahod

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 21, 2021): Malaking bagay ang ₱100 umento sa arawang sahod



Malaking bagay para sa mga manggagawa ang ₱100 subsidyong pandagdag sa arawang sahod, laluna sa mga industriya at serbisyong “esensyal” sa panahon ng pandemya. Marami sa kanila ang walang katiyakan sa trabaho, tumatanggap ng wala pa sa arawang minimum, at nakapailalim sa kaayusang “no work, no pay.”

Kabilang dito si Andrea, manggagawa sa isang restawran na nagbubukas-sara depende sa antas ng lockdown. Isang taon na siyang kontraktwal at nakapako sa ₱336 ang kanyang sahod.

Bentahe rin ito kay Bob, manggagawa ng ahensyang kinokontrata ng isang kumpanya sa internet, na sumasahod lamang ng ₱400 kada araw.

Kung mamarapatin, dapat nga ay ₱200 ang umento, ayon kay Mon, isang delivery rider na kumikita ng ₱500 kada araw. Sa kanyang pananaw, hindi naman ito imposible lalupa’t malaki ang kinikita ng kumpanya dahil marami ang nakaasa sa kanilang serbisyo.

Bagamat sumasahod ng ₱1,300/araw, pabor din sa ₱100 umento ang manggagawa sa call center na si Karla. Aniya, dapat lamang ibigay ang umento para naman makahabol kahit papaano sa nakabubuhay na sahod ang mayorya ng mga manggagawa.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/04/21/malaking-bagay-ang-%e2%82%b1100-umento-sa-arawang-sahod/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.