Friday, April 23, 2021

CPP/Ang Bayan: 3 maiiksing armas, nasamsam ng BHB-Negros

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 21, 2021): 3 maiiksing armas, nasamsam ng BHB-Negros



Dalawang ahenteng paniktik ng 15th IB ang napaslang sa ambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southwest Negros (Armando Sumayang Jr. Command) noong Abril 3 sa Sityo Cambaga, Yaoyao, Cauayan, Negros Occidental. Nakuha sa kanila ang isang .45 kalibreng pistola, isang 9mm Glock at mga dokumento ng pagkakakilanlan. Pagkahapon, apat na sundalo ng 15th IB ang napaslang sa isang engkwentro sa yunit ng BHB.

Noong Abril 13, isa pang pistola ang nasamsam mula sa aktibong ahente ng 7th Intelligence Service Unit sa Barangay Consing, E.B. Magalona, Negros Occidental.

Isang araw bago nito, tatlong backhoe ang pinaralisa ng BHB-North Negros sa Barangay E. Lopez, Silay City. Ginagamit ang mga backhoe sa operasyong kwari sa naturang lugar na naging sanhi ng matinding pagbaha at pagkasira ng kalikasan. Tinatayang aabot sa ₱16.6 milyon ang halaga ng mga ito na pagmamay-ari ni Mayor Mark Andrew Golez ng Silay City.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/04/21/3-maiiksing-armas-nasamsam-ng-bhb-negros/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.