Posted to Kalinaw News (Mar 25, 2021): 48th Infantry Battalion Naglunsad ng Community Outreach Program sa Pagdiriwang ng Kanilang Ika-40 Anibersaryo
Bislig City, Surigao del Sur – Minabuti ng 48th Infantry (Guardians) Battalion na magsagawa ng Community Outreach Program upang ipagdiwang ang kanilang ika-40 Anibersayo na inilunsad sa Purok 3, Barangay Amaga, Barobo, Surigao del Sur ika- 24 ng Marso 2021.
Sa temang “48IB sa Ika-40 Anibersaryo sa Tinuod nga Pagserbisyo” layunin ng 48IB na mabigyan ng tulong at malasakit ang mga kababayan sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs) na siyang lubos na nangangailangan. Nais ng 48IB na magtuloy-tuloy ang programa sa iba’t-ibang dako ng nasasakupan nito, lalong-lalo na sa mga mahihirap na komunidad.
Sa pangunguna ni Lieutenant Colonel Enrique G. Rafael, Acting Commanding Officer ng 48IB katuwang si Brgy Amaga Chairperson Hon. Mercy S. Villas, humigit kumulang na 150 pamilya ang nakatanggap ng relief goods at sinabayan ng feeding program sa mga bata na may edad sampu (10) pababa. Namahagi din ang grupo ng mga polyetos upang magkaroon ng kaalaman ang mga miyembro ng komunidad tungkol sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Maraming salamat sa inyong presensiya at andito tayo kahit umuulan para maipakita ninyo ang inyong malaking suporta sa mga kasama natin sa 48IB. Magpasalamat tayo dahil sa dami ng barangay, isa tayo sa napili”, ayon kay Hon Villas.
Dagdag ni Lieutenant Colonel Rafael, “Asahin ninyo na kami sa 48IB ay laging handang tumulong at magbigay serbisyo sa mga mamamayan na kagaya ninyo. Lubos ang aming pasasalamat sa mainit na pagtanggap niyo sa amin dito sa inyong barangay. Hinihiling ko po ang inyong pakikiisa sa aming layunin at maipapaabot natin ang mga programa ng ating pamahalaan upang makamtan natin ang tunay na kapayapaan at tuloy-tuloy na kaunlaran.”
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/48th-infantry-battalion-naglunsad-ng-community-outreach-program-sa-pagdiriwang-ng-kanilang-ika-40-anibersaryo/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.