From the Philippine Information Agency (Feb 5, 2021): Tagalog News: Mga tauhan ng PCG-Palawan, sinanay sa 'Tactical Combat Casualty Care' (By Leila B. Dagot)
Dalampu't isang tauhan ng Philippine Coast Guard - Palawan ang sumailalim sa tatlong araw na pagsasanay sa Tactical Combat Casualty Care (TCCC) na pinangasiwaan ng U.S. Civilian Military Support Element - Philippines. (Larawan mula sa U.S. Emabassy in the Philippines)
PUERTO PRINCESA, Palawan, Peb. 5 (PIA) -- Sumailalim sa tatlong araw na pagsasanay ang nasa 21 tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Palawan para sa pagtugon sa medical emergencies.
Ang pagsasanay ay tinatawag na Tactical Combat Casualty Care (TCCC) bilang bahagi ng ‘Coast Guard’s Surface Support Force (CGSSF)’ boarding officer course na pinangasiwaan ng U.S. Civilian Military Support Element – Philippines (CMSE-Phl).
Kinapapalooban ito ng pagsasanay sa pag-responde sa emergency situation sa panahon ng pagpapatupad ng batas, seguridad pandagat, at maging sa maritime search and rescue operations.
Layon ng gawain na mapalakas ang kakayanang pang-medikal ng mga partisipante na nagtatrabaho sa maritime at land-based operations.
“Ang aming mga personnel, specifically ang gaming boarding team members ay may pagkakataon na iangat at palawakin pa ang kanilang kaalaman at kakayanan sa pagtugon sa mga emergency situations na maaari nilang maranasan habang nagpe-perform ng kanilang tungkulin sa karagatan,” tinuran ni Commodore Erwin Tolentino, commanding officer ng BRP Cabra sa isang pahayag.
Aniya, malaking tulong ang pagsasanay na ipinagkaloob sa kanila ng kanilang katuwang na CMSE-Phl upang makapaghatid ng maayos na serbisyo sa mga mamamayan ng Palawan. (LBD/PIAMIMAROPA)

https://pia.gov.ph/news/articles/1066036
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.