Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jan 21, 2021): Protesta laban sa pagbasura sa UP-DND Accord
Higit 200 ang nagtipon sa University of the Philippines (UP)-Diliman, Quezon City noong Enero 19. Kinundena nila ang unilateral na pagwawakas ni Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana sa kasunduang UP-DND na nagbabawal sa pagpasok ng pulis at militar sa kampus nang walang paalam.
Layunin ng maniobrang ito na pahintulutan ang militar na manghimasok sa UP na dati nang pinag-initan ng rehimen. Nilalabag nito ang kalayaan sa akademya at inaapakan ang demokratikong espasyo ng unibersidad. Habang walang laman ang kampus dulot ng ipinatutupad na online learning, malayang makakapaglabas-masok ang mga sundalo sa lugar. Katunayan, walang kaabog-abog na pumasok ang militar sa UP sa sumunod na araw.
Pinuntirya na rin ng alipures ni Duterte sa kongreso ang pagpapabasura sa kaparehong kasunduan sa pagitan ng Polytechnic University of the Philippines at DND.
Upang labanan ito, dapat matapang na depensahan ng mga estudyante ang kampus sa pamamagitan ng pagtitipon dito para ipamalas ang kanilang pagtutol.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2021/01/21/protesta-laban-sa-pagbasura-sa-up-dnd-accord/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.