Noong Enero 18, tinatayang nasa 42.2 milyong dosis na ang nabakunahan sa 51 bansa. Tinatayang nasa abereyds na 2.43 milyong dosis naman ang naituturok kada araw. Aabot naman sa 8.33 bilyong dosis ang ipinareserba na ng pinakamalalaking kapitalistang bansa. Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang kinakailangan pang maghintay hanggang sa susunod na taon para mapunan ang pangangailangan sa bakuna.
Sa ngayon, limitado pa ang impormasyon kaugnay sa bisa ng mga bakuna. Sa isang banda, ito ay dahil sa kumpetisyon at paglilihiman ng monopolyong mga kumpanya sa parmasyutika. Sa kabilang banda, dulot ito ng kakagyatan ng sitwasyon kung saan kailangan nang ilabas ang mga bakuna sa pinakamaagang panahon. Sa nakaraan, umaabot sa tatlong taon ang pananaliksik at pagpapaunlad ng bakuna bago ito pahintulutang gamitin sa pangkalahatang publiko. Ang mga bakuna laban sa Covid-19 ay isinalang sa testing nang halos anim na buwan lamang.
Ayon sa tagapagsalita ng rehimen noong Enero 18, nakapagpareserba pa lamang ang Pilipinas ng 25 milyong dosis mula sa Sinovac, 17 milyong dosis mula sa AstraZeneca, 10 milyong dosis sa Moderna, at 30 milyong dosis sa Covovax. Karamihan sa mga ito ay wala pang badyet pambili at hindi alam kung kailan darating sa Pilipinas.
Sa ngayon, hindi bababa sa 21 malalaking syudad sa Pilipinas ang nagsabing maglalaan sila ng sariling pondo pambakuna sa kani-kanilang mga residente.
https://cpp.ph/2021/01/21/datos-kaugnay-sa-mga-bakunang-planong-gamitin-sa-pilipinas/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.