Posted to the Kalinaw News (Oct 25, 2020): Serbisyo Caravan sa Sta. Cruz, Davao del Sur inilunsad
Malita, Davao Occidental – Nagkaroon ng Retooled Community Support Program (RCSP) Serbisyo Caravan ang LGU Sta Cruz sa Brgy Saliducon, Sta. Cruz, Davao del Sur kasama ang kasundaluhan ng 73rd Infantry Battalion at ibat ibang ahensya ng gobyerno.
Sa isinagawang Serbisyo Caravan, nakilahok ang mga ahensya ng Department of Trade and Industry(DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) at Municipal Agricultural Office.
Nabenipisyohan ang komunidad ng Brgy Sta. Cruz ng Operation Tuli, libreng pagpapagupit, mga balot ng mga butong-gulay, animal vaccination at libreng pacheck-up. Nakatanggap rin ng “safety gears/kits” ang barangay para sa kanilang turismo.
Ibinahagi ni Peter Renon Sombilon, Punong Barangay ng Sta. Cruz, ang kanyang pasasalamat sa binigay na kooperasyon ng mga ahensya. “Ito ay epektibong masasagawa dahil sa pagsisikap na inilaan ng mga ahensya. Kooperasyon ang susi sa ganitong pagtulong sa mga nangangailangan.”
Sa mensahe na nais ipahiwatig ni Lt. Col. Ronaldo G. Valdez, Pinuno ng 73IB, “Ang pagpapatupad ng Whole-of-the-Nation Approach na ito ay naging posible sa pamamagitan ng suporta at tulong ng pamahalaang-lokal na mabisang tinutugunan ang mga isyung pinagsasamantalahan ng mga komunistang grupo ng terorista.”
Para sa impormasyon ng lahat, ang RCSP ay ang pagdeliber ng mga serbisyo ng gobyerno sa mga tinatawag na “target barangays”. Ang target barangay na ito ay dating kuta ng mga komunistang gulo lamang ang alam.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/serbisyo-caravan-sa-sta-cruz-davao-del-sur-inilunsad/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.