Propaganda news article posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 24, 2020): Depisito sa badyet ng US, sumirit sa gitna ng pandemya
NEWS STORIESOCTOBER 24, 2020
Inilahad ng US Congressional Budget Office (CBO) noong Oktubre 8 na pumalo na sa $3.1 trilyon ang depisito sa badyet ng bansa, pinakamataas na naitala nito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Mula Setyembre 2019 hanggang Setyembre 2020, tinatayang gumastos ang US ng $6.55 trilyon samantalang $3.42 trilyon lamang ang kinita nitong buwis. Halos triple ang itinaas ng depisito kumpara sa naitala sa nakaraang taon. Malaking bahagi ng gastusin ($4 trilyon) ay inilaan para ayudahan kapwa ang mga kapitalista at mga manggagawa sa gitna ng pandemya. Tinatayang lalaki pa ito lalupa’t nagpapatuloy ang pananalasa ng Covid-19 sa bansa.
Kaugnay nito, nagpahayag ng pangamba ang CBO na posibleng maungusan na ng utang ng US ang laki ng ekonomya nito. Anito, tinatayang tataas ang pederal na utang ng US tungong $20.63 trilyon ngayong taon o katumbas ng 106% ng gross domestic product nito. Mas mataas ito sa naitalang $17-trilyong utang noong 2019 na katumbas naman ng 80% ng GDP sa parehong taon.
https://cpp.ph/2020/10/24/depisito-sa-badyet-ng-us-sumirit-sa-gitna-ng-pandemya/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.