Thursday, October 15, 2020

Kalinaw News: 2 miyembro ng NPA sa Isabela, nagbalik-loob sa pamahalaan; 2 armas narekober

Posted to Kalinaw News (Oct 14, 2020): 2 miyembro ng NPA sa Isabela, nagbalik-loob sa pamahalaan; 2 armas narekober (By 5th Infantry Division)



Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela– Nagbalik-loob sa gobyerno ang dalawang supply officer ng rebeldeng New People’s Army sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng San Mariano, Isabela habang dalawang armas naman ang narekober, noong ika-11 nang Oktubre taong kasalukuyan.

Sa ginawang panghihikayat ng kani-kanilang mga asawa na una na ring nagbalik-loob, sumuko sa hanay ng 95th Infantry Battalion, Philippine Army at mga kapulisan sina alyas Grace at alyas Lita ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV).

Pagbabahagi ni alyas Grace, taong 2014 nang mahikayat siya nina alyas Acer at alyas Peter na umanib sa rebeldeng kilusan sa bayan ng Nagtipunan, Quirino bago siya inilipat sa bayan ng San Mariano, Isabela. Habang si alyas Lita ay nahikayat na umanib noong taong 2015 sa panghihikayat naman ni alyas Shuli.



Taong 2019 nang kapwa hindi na naging aktibo sa kilusan ang dalawang nagbalik-loob matapos na makita nilang tuluyan nang humina ang kanilang hanay dahil sa kawalan ng suporta ng mga tao sa grupong NPA. Nakita din nila ang pagbabago sa kanilang komunidad simula ng mawala ang impluwensya ng mga NPA. Napagtanto na rin nila ang ginawang panlilinlang ng mga teroristang NPA at hindi na nila nanaisin pang muli silang maging biktima ang mga ito, lalo na ang mga kabataan.

Samantala, narekober naman ng mga otoridad ang isang M16 rifle, US carbine M1 at isang short magazine sa pamamagitan ng impormasyong ibinahagi ng isang dating miyembro rin ng rebeldeng grupo. Nakuha ang mga gamit pandigma sa Barangay Cadsalan, San Mariano, Isabela na itinago ng mga terroristang NPA.

Ipinahayag naman ni BGen. Laurence E. Mina PA, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang kanyang papuri sa patuloy na pakikiisa ng mga dating rebelde upang hikayatin ang iba pa nilang dating kasamahan na bitawan ang maling ideolohiyang isinusulong ng teroristang NPA. “Ang sunod-sunod na pagsuko at pagkakadiskubre ng mga gamit pandigma ng teroristang NPA sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga dating rebelde at mga mamamayan ay nagpapakita lamang ng kanilang pagnanais na tuluyang mawala ang impluwensiya ng NPA sa kanilang komunidad. Ikinagagalak kong makita na namulat na ang taumbayan sa tunay na adhikain ng NPA- panloloko, panlilinlang, pangingikil at paghahasik ng takot sa mga komunidad. Hangad ko ang walang humpay na pagtutulungan ng lahat upang iwaksi ng tuluyan ang teroristang NPA sa ating bayan.”



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/2-miyembro-ng-npa-sa-isabela-nagbalik-loob-sa-pamahalaan-2-armas-narekober/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.