Wednesday, September 16, 2020

Tagalog News: Army, nagbibigay proteksyon sa Angat-Umiray Transbasin Tunnel

From the Philippine Information Agency (Sep 16, 2020): Tagalog News: Army, nagbibigay proteksyon sa Angat-Umiray Transbasin Tunnel (By Vinson F. Concepcion)


LUNGSOD NG MALOLOS, Setyembre 16 (PIA) -- Nilinaw ng 48th Infantry Battalion o 48th IB na ang kanilang pananatili o presensya sa bahagi ng Angat Dam ay upang protektahan lamang ang 13-kilometro Angat-Umiray Transbasin Tunnel.

Ayon kay 48th IB commanding officer Lt. Col. Felix Emeterio Valdez, nirerespeto nila ang mga katutubong Dumagat at walang katotohanan na ginagambala nila ang farming, fishing at hunting activities ng mga ito.


Si 48th Infantry Battalion commanding officer Lt. Col. Felix Emeterio Valdez. (48th IB)

Naroroon lamang ang kanilang tropa upang pangalagaan ang mga vital government infrastructure laban sa pananabotahe at extorsion activities ng New Peoples’ Army.

Pinatotohanan din ito ni Norma Roque, isang Dumagat na kinatawan sa Pamahalaan Panlalawigan at sinabing walang Dumagat ang nagmamaka-awa at hindi sila nagugutom dahil sa mga sundalo. (CLJD/VFC-PIA 3)

https://pia.gov.ph/news/articles/1053329

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.