BULALACAO, Oriental Mindoro – Patay ang isang babaeng miyembro ng NPA sa isang engkwentro sa pagitan ng nasabing teroristang grupo at tropa ng kasundaluhan at kapulisan sa Sitio Taboy-taboy, Brgy Gapasan, Magsaysay, Occidental Mindoro kahapon bandang 6:30 ng umaga ika-14 Setyembre ng taong kasalalukuyan.
Umabot sa limang minuto ang palitan ng putok na nag resulta ng pagkasawi ng isang teroristang NPA na pinaniwalaan na miyembro ng PLTN SERNA, KLG MAV, SRMA 4D. Wala namang nasaktan o nasawi na sibilyan at sa panig ng pamahalaan.
Nakuha sa pinangyarihan ang isang (1) 9mm pistol, tatlong (3) Improvised Explosive devices IEDs ( Anti-Tank, Anti-Personnel Mine, Improvise Hand Grenade), isang (1) rifle grenade, limang (5) Back Packs, isang (1) Roll flat cord, mga publikasyon at mga subersibong dukomento galing sa mga pinaghihinalaan na mga front organizations, ibat-ibang medical paraphernalia’s at mga personal na gamit.
Agad naman nagsagawa ng imbestigasyon sa pinangyarihan ang Magsaysay Police Station sa pangunguna ni PCPT ARIEL S ROLDAN kasama ang SOCO para sa mga legal na hakbangin.
Ayon kay Lt Col Alexander M Arbolado, Commanding Officer ng 4IB, ang mga magsasaka at lokal residente ang nagsuplong sa ating mga awtoridad dahil hindi na umano nila matiis ang mga ginagawang pananakot at paghinge ng butaw sa kanila ng mga teroristang NPA.
Dagdag pa nito “patuloy pa rin ang pursuit operations sa mga nakitang sugatan na teroristang NPA na tumatakas palayo sa pinangyarihan. Sa ngayon patuloy pang inaalam ang pagkakilanlan ng babaeng NPA na nasawi sa nasabing engkwentro. Matatandaan na karamihan sa namatay na mga NPA sa isla ay hindi mga taga Mindoro.
Ang Municipal Task Force ELCAC Magsaysay, Occidental Mindoro sa pangunguna ni Hon Cesar M Tria Jr, Mayor at Chairman ng MTF-ELCAC ay patuloy parin nananawagan sa mga nalinlang ng teroristang grupong NPA na magbalik loob na sa pamahalaan. Aniya, handa ang lokal na tanggapan ng Magsaysay at buong lalawigan ng Occidental Mindoro na tulungan kayo para makapag bagong buhay.
Hinikayat din ng 4th Infantry Battalion at ng kapulisan ang mga natitira pang NPA na samantalahin na ang programang Enhanced – Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). Magbalik-loob na habang hindi pa huli ang lahat at hindi na umabot sa ganitong pangyayari, dahil ang pamahalaan ay handa na tapusin ang teroristang gawain ng CPP-NPA-NDF.
Nanawagan din ang mga lokal na opisyales sa mga sugatan ng engkwentro na bumaba na upang matulungan at mabigyan ng agarang lunas.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/isang-npa-patay-sa-engkwentro-sa-occidental-mindoro/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.