From the Philippine Information Agency (Sep 23, 2020): Tagalog News: 60 dating rebelde sa Agusan del Norte binigyan ng puhunan upang makapagsimula muli (By Nora L. Molde)
LUNGSOD NG BUTUAN, Setyembre 23 (PIA) -- Sa pangunguna ni Gobernador Dale Corvera sa probinsya ng Agusan del Norte kasama si representante Maria Angelica Rosedell Amante-Matba at ang hepe ng DSWD Caraga binigyan nila ng tig-20,000 bilang financial assistance ang bawat isa sa 60 na dating rebeldeng nagbalik sa gobyerno upang magsimulang mabuhay ng normal at tahimik kasama ang pamilya.Aminado si Gob. Corvera na maliit lamang ang halagang kanilang natanggap ngunit kung gagamitin nila ito sa maayos, malaking tulong ito para sa kanilang pagbabagong buhay. Dagdag pa ni Corvera na kahit maliit lang ang halaga ng kanilang natanggap pero sigurado itong makakatulong sa kanilang pamilya.
Sa layuning magkaroon ng maaayos na pamumuhay ang mga dating rebelde, maliban sa financial assistance na natanggap ng mga dating rebelde, makaka-avail din sila ng scholarship program para sa kanilang mga anak, balik baril program at ang libreng pabahay kung saan sinimulan na ng probinsya ang pagpurchase ng mga materials na gagamitin para dito.
Ayon din ni Agusan del Norte board member Elizabeth Calo dapat nating silang tulungan na mabuhay ng normal dahil hindi naman sila permanenteng rebelled, nagbagong Buhay na sila at hindi na dapat tawaging dating rebelled upang tuluyang makapagbagong Buhay.
Malaki ang pasalamat ni Louie, isa sa mga nakatanggap ng assistance, dahil ayon sa kanya hindi tayo binigo ng gobyerno sa kanilang pangakong tulong upang makapag-bagong buhay tao. (NCLM/PIA Agusan del Norte)
https://pia.gov.ph/news/articles/1054068
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.